PINASOK na rin ni Arjo Atayde ang daigdig ng politika. Tumatakbo siya sa bilang congressman sa District 1 ng QC. Ang makatulong, lalo sa mga mahihirap, ang naging dahilan ng pagtakbo niya sa nasabing posisyon.
Artista man si Arjo, pero hindi showbiz ang pagtrato niya sa kanyang kapwa.
Masuwerte ang kanyang mga magulang na sina Sylvia Sanchez at Art Atayde, na nagkaroon sila ng anak na katulad ni Arjo na isang mabuting anak, kapatid, at kaibigan. Higit sa lahat, maganda ang kanyang values.
Naniniwala kami na malaki ang chance ni Arjo na manalong congressman laban sa incumbent congressman ng nasabing distrito. Witness kasi kami kung gaano karaming tao ang nagpupunta, tuwing campaign sorties niya. Marami siyang supporters na talagang iboboto siya sa darating na halalan sa Mayo 9.
Maraming natatanggap na batikos at paninira si Arjo mula sa kampo ng katunggali. Pero hindi niya pinapatulan ang mga ito. Ang maganda sa kanya, hindi niya rin sinisiraan ang kalaban niya. Ang mahalaga sa kanya, kaysa manira, sinasabi niya ang kanyang plataporma o magagandang plano kapag nanalo bilang congressman ng District 1 ng QC.