Sunday , December 22 2024

Alma pabor sa pagsali ng LGBTQIA+ members sa beauty pageant

“DEFINITELY yes,” umpisang pahayag ni Alma Concepcion nang tanungin namin kung pabor ba siya na nakakasali sa mga beauty pageant ang mga lesbian o miyembro ng LGBTQIA+.

Isa ring beauty queen, si Alma ay nanalong 1994 Binibining Pilipinas-International.

“Parang just the same as any LGBTQIA candidates, kasi ‘yung tintingnan naman is your capacity to compete.

“Mentally, physically. So maganda nga sa panahon ngayon wala ng descrimination pagdating sa LGBTQIA. Even gay, ‘di ba may nag-compete na sa Miss Universe na trans.

“So, talagang ang ganda ng shift ngayon ng gender-equality hindi lang para sa mga babae pero pati na rin sa mga member ng LGBTQIA. Kaya I’m very happy simula noong may nag-compete nga na trans, and then now lesbian, so magandang opportunity ‘yun.”

Proud member ng LGBTQIA+ ang 2021 Miss Universe Philippines na si Beatrice Luigi Gomez.

Pagpapatuloy pa ni Alma, “May mga strength ang mga third sex, LGBTQIA, it’s their time to shine.”

Nasa cast ng False Positive si Alma na ang bida ay sina Xian Lim at Glaiza de Castro.

Idinidirehe ito ni Irene Villamor at second lead dito sina Herlene ‘Hipon Girl’ Budol at Buboy Villar. Ito rin ang first major TV role ni Herlene.

Kasama rin dito sina Tonton Gutierrez, Yvette Sanchez, Luis Hontiveros, Rochelle Pangilinan, Dianne dela Fuente, at Ms. Nova Villa.

Samantala, may pa-livestream ang False Positive on its pilot week.

Maaaring i-stream anywhere in the country ang False Positive basta’t may internet connection. Mapapanood ito sa official YouTube channel ng GMA Network mula May 2-May 6, 8:50 p.m. sa GMA Telebabad.

About Rommel Gonzales

Check Also

Joel Cruz P25-M 25th anniversay Aficionado 

Joel Cruz mamimigay ng P25-M sa 25th anniversay ng Aficionado 

MATABILni John Fontanilla MAMAMAHAGI ng P25-M ang tinaguriang Lord Of Scents na si Joel Cruz …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

MMFF50

Sampung pelikula para sa MMFF50, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ILANG araw bago ang Kapaskuhan, inilabas na ng Movie and …

MMFF 2024 MTRCB

Mga pelikula sa MMFF, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

INILABAS na ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang angkop na klasipikasyon …