INAMIN ni Piolo Pascual na mas pinipili niyang manahimik kaysa sumagot sa mga nang-iintriga sa kanya.
“Bilang artista, sanay na akong pukpukin ng kung ano-anong issue. May mga pagkakataon na kailangang i-address ang isang bagay pero mas madalas, pinipili kong tumahimik,” giit ni Piolo sa isang video na nagpapakita ng kanyang pagsuporta kay Vice President Leni Robredo bilang susunod na pangulo ng bansa.
Ganito rin ang trato ni Piolo sa mga isyung politikal, na mas gusto pa niyang tahimik na magmatyag kaysa maglabas ng saloobin sa takot na baka mabatikos.
“Naisip ko, masyado nang magulo ang mundo para makidagdag pa sa samo’tsaring ingay. At hindi ko rin alam kung nararapat ba akong pakinggan. Hindi naman ako eksperto sa politika,” paliwanag niya.
Pero ngayong nakataya ang kinabukasan ng bansa sa Mayo 9, napagdesisyonan ni Piolo na hindi na siya dapat manahimik, sa pagsasabing ang pagtahimik ay isang pribilehiyo na hindi dapat ginagamit ng sinuman sa kasalukuyang panahon.
“Ang pananahimik sa ganitong panahon ay pagkampi sa mga pwersang nagpapahirap sa maraming Filipino. Sa mga nakaraang araw, palakas nang palakas ang sigaw. Hindi na ito kayang isawalang-bahala ng bawat Filipinong nagmamahal sa bayan,” ani Pascual.
“Bulong na ngayo’y isang malakas na ring sigaw, si Leni Robredo ang pangulo ko. Abogada, ekonomista, tapat, at walang bahid ng corruption,” dagdag pa niya.
Para matiyak na tama ang kanyang desisyong suportahan si VP Leni, sinabi ni Piolo na siya’y nagsaliksik, nakinig sa ibang tao, at binuksan ang isip bago naghayag ng suporta sa Bise Presidente.
Gaya ng ibang volunteers, sinabi ni Piolo na tumugon siya sa panawagan ni VP Leni na tumayo at ipaglaban ang bansa at kapakanan ng taumbayan, lalo na iyong mga nangangailangan.
“Pagkain sa mesa. Edukasyon. Maayos na kalusugan. Hindi ba’t ito naman ang araw-araw nating pinagsisikapan para sa ating pamilya? Hinihiling ng panahon na lawakan natin ang ganitong pagsisikap, hindi lang para sa mga mahal natin sa buhay, kundi para sa ating mga kababayang nangangailangan,” punto pa ni Piolo.
Binigyang diin ni Piolo ang kahalagahan ng pagkakaroon ng pamahalaan na tutulong sa taumbayan na maabot ang kanilang pangarap at gumanda ang buhay sa pamamagitan ng mga batas, programa, at plataporma.
“Tapat na pamamahalang magbibigay sa atin ng kasiguraduhan, tutulong sa atin sa panahon ng kalamidad o matinding pangangailangan,” wika pa ng aktor.
(𝙈𝙑𝙉)
Check Also
MTRCB, PCO, PIA, at OES nagkasundo sa pagsusulong ng Responsableng Panonood
SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio ILULUNSAD ng ilunsad ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) …
Batas vs piracy paigtingin, Pinoy nahaharap sa matinding panganib (Edu, Kuya Kim, Shaina nagpahayag ng suporta)
SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio MAS mataas ang mga cyberthreat na haharapin ng mga Filipino …
Crown sa Miss Universe gawa ng Pinoy
I-FLEXni Jun Nardo KAHIT hindi manalo bilang Miss Universe ang pambato ng bansa na si Chelsea Manalo, panalo …
Roderick balik-GMA, ABS-CBN masikip na sa 2 Rhoda
I-FLEXni Jun Nardo NATUWA naman kami nang makita si Roderick Paulate sa trailer ng coming GMA series na Mga Batang …
Tom walang issue ang pagkakaroon ng anak
HATAWANni Ed de Leon INAMIN na ni Tom Rodriguez na may anak na siyang lalaki na apat …