Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Arjo Atayde

Arjo Atayde, patok at swak bilang congressman ng 1st District ng QC

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

HINDI matatawaran ang husay ni Arjo Atayde bilang aktor. Pero bukod dito, marami pang magagandang katangian ang guwapitong award-winning actor.

Artista siya, pero hindi siya ang typical na showbiz personality sa pagtrato sa kapwa. Napatunayan namin nang ilang ulit na totoong tao si Arjo kaya maraming taga-showbiz ang saludo sa kanya.

Ordinaryo nang marinig ang mga papuri sa BF ni Maine Mendoza. Napakaganda ng puso, mabuting anak, kapatid at kaibigan, at higit sa lahat-napakaganda ng values. Thanks to his hands-on parents, Ms. Sylvia Sanchez at Sir Art Atayde na pinalaki siyang alam ang halaga ng good life, may respeto sa kapwa, at may takot sa Diyos. 

Kahit bata pa, si Arjo ay very aggressive at passionate sa lahat ng kanyang ginagawa. Maaaring sabihing baguhan pa lang siya sa larangan ng politika, pero mayroon siyang good vision para sa mga constituents niya sa District 1 ng Quezon City, na tumatakbo siya bilang congressman.

Gaya ng kanyang slogan na ‘Aksiyon Agad’, ngayon pa lang ay napatunayan na niya sa lahat that he walks his talk. Nang nalaman niyang kailangan ng nasabing distrito ng mga emergency vans, nag-donate agad siya ng higit sa 20 na van. Nang magkasunog sa area na ito, tumulong siyang mag-provide ng shelters sa mga apektadong pamilya. Alam ni Arjo kung ano ang dapat i-prioritize and there’s more help to come kapag nanalo siyang congressman.

Kabilang din si Arjo sa papasok na new breed ng public servant na kailangang-kailangan ngayon ng masa.

Sambit ni Arjo, “Hindi ako nangangako ng langit at lupa, sa abot ng aking makakaya ay gagawin ko ang lahat para makatulong. Mas marami akong opportunity na makatulong kapag nakaupo ako bilang congressman ng District 1 ng Quezon City.”

Dagdag pa niya, “Ayaw kong maging mahusay na politiko, gusto kong maging mabuting public servant.”

Pati mga kasama sa showbiz ni Arjo ay buong-buo ang suporta sa tisoy na aktor. Isa sa biggest supporter at inspirasyon ni Arjo ang GF na si Maine Mendoza.

Alam sa mundo ng showbiz na si Arjo ay isang brilliant and bright young man. Kabisado ng mga taga-showbiz ang kapasidad ni Arjo na tumulong at maglingkod nang mabuti, kung mabibigyan ng pagkakataon ng mga kadistrito niya sa QC.

Napakapropesyonal kausap at napakasarap katrabaho, plus siya ay very honest and hard-working talaga. Tiyak na maipagmamalaki ng District 1 ng Quezon City si Arjo Atayde kapag nanalo ito bilang congressman nila.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Bam Aquino Vico Sotto

Talent manager at online show host Noel Ferrer pinangalanan sina Bam, Vico bilang People of the Year 2025

HINIRANG ng talent manager at online show host na si Noel Ferrer sina Senador Bam Aquino at Pasig City …

Rave Victoria

Rave Victoria masaya sa suportang natanggap sa PBB Collab 2

RATED Rni Rommel Gonzales BINANSAGANG ”Optimistic Apo ng Tarlac” natapos na ang Pinoy Big Brother Celebrity …