NAKATAKDANG lumahok ang magkapatid na Magallanes na sina Ranzeth Marco at Princess Rane sa over the board chess at lalahok din sila sa 5th mayor Darel Dexter T. Uy P’gsalabuk Chess Cup na susulong sa Mayo 14 at 15, 2022 na gaganapin sa Ground Floor, Museo Dipolog sa Dipolog City, Zamboanga del Norte.
Ang 8-years-old na si Ranzeth Marco at 6-years-old Princess Rane ay masisilayan sa Open category sa Mayo 14 at kasunod ng Age Group chess competition sa Mayo 15 ayon kay National Arbiter at Dipolog City Chess Association President Ronald Truno Solon.
Nakilala ang magkapatid na Magallanes matapos magpakitang-gilas sa 2019 Eastern Asia Youth Chess Championship sa Bangkok, Thailand.
Nakamit ni Ranzeth Marco ang bronze sa team event sa blitz category habang ang kanyang nakababatang kapatid na si Princess Rane ay nakopo ang dalawang silver (standard at blitz category sa team event) at 1 bronze sa team event ng rapid category.
Sa kasalukuyan, sina Ranzeth Marco at Princess Rane ay sinasanay ng kanilang father/trainor Ranell Magallanes II at mother/coach Sendelyn Magallanes at Principal lyn A. Carpio ng Estaka Central School maging ng pamosong AFPI PACE Master Class. -Marlon Bernardino-