Wednesday , December 17 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Alvin Patrimonio Mayor ng Cainta Mon Ilagan

Alvin emosyonal habang ipinaliliwanag dahilan ng pagtakbong Mayor ng Cainta

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

INAMIN ng basketball superstar Alvin Patrimonio na matagal niyang pinag-isipan ang tumakbong Mayor ng Cainta, Rizal. Matagal nang may alok sa dati ring Regal baby na pasukin ang politika pero tinatanggihan niya iyon dahil aktibo pa siya sa pagba-basketball.

Anang team manager ngayon ng Magnolia, “Kahit noong naglalaro pa lang ako, nag-i-invite na sila sa akin na tumakbo, sabi ko, ‘hindi pa po time.’” 

Bagama’t nakailang tanggi na, nariyan pa rin ang laging alok kaya naman nitong huli, napagdesisyonan na niyang pagbigyan ang matagal na rin namang hiling   na pasukin ang politika.

Nabuo ko at natamasa ko na ang success sa basketball, ngayon naman gusto kong magkaroon ng significance ‘yung success na ‘yon. Kaya nag-decide ako to run for public office,” sambit ni Alvin sa media conference na isinagawa noong Biyernes sa Music Box kasama ang ka-tandem niyang si Mon Ilagan (tumatakbong Vice Mayor).

Sinabi pa ng tinaguriang kapitan, “Bago ako mamatay, gusto ko marami akong matulungang kababayan ko.”

Kitang-kita namin ang sensiridad kay Alvin habang sinasabi ang kagustuhang makatulong sa mga taga-Cainta. Tila nangingilid pa nga ang luha niya habang sinasabi ang kagustuhang makatulong.

Emosyonal din siya habang inilalatag ang mga problema sa Cainta at ang kanyang mga plano tulad ng pabahay para sa mga less-fortunate residents na isa sa kanyang pagtutuunan ng pansin, gayundin ang matagal na nilang problema sa baha.

Matagal nang residente ng Cainta si Alvin kaya naman nakita niya ang mga kulang at dapat gawin sa kanyang bayan para mapa-unlad ito. 

Nais ding palawakin ni Alvin ang sports sa Cainta bilang dito siya galing, ang basketball.

Sa kabilang banda, naniniwala ang dating Mayor ng Cainta na si Mon Ilagan na mabibigyan ni Alvin ng bagong mukha ang kanilang bayan. Kilala niya ang dating basketbolista na napakabait na tao kaya nakipag-sanib-puwersa siya’t ibinigay ang kanyang buong suporta sa first-timer na kandidato.

Ang pagtakbo bilang mayor ni Alvin sa Cainta ay suportado ng kanyang misis na si Cindy gayundin ng mga anak na sina Angelo at Tin na kasama niya noong hapong humarap ito sa entertainment media.

Sabi nga ni Tin, “Sabi ko nga po sobrang bait kaya nag-aalala ako kung bakit niya ginusto. Pero at the end of the day, nakita ko kung bakit niya talaga gustong tumakbo, kung bakit siya pumasok dito, kasi gusto niya talagang tumulong sa bayan ng Cainta. Kasi madalas kapag magkasama kami na siya ang nagda-drive, lagi niyang sinasabi, ‘gusto ko malinis ang Cainta.’ 

“Sinasabi rin lagi ni Papa ang mga bagay na kung ano ang ikabubuti ng Cainta. Suportado namin si Papa, ng buong family, ang pagtakbo niya bilang mayor,” wika ni Tin na dating pumasok sa Pinoy Big Brothers.

Sinabi naman ni Angelo na dating nag-Star Magic, na nang malaman nila na tatakbong mayor ang kanyang Papa, “basta kung ano ang gusto niyang gawin suportado namin siya. Alam ko na may puso siya, para i-improve ang Cainta. Ang buong team Patrimonio at team Ilagan talagang ang malasakit nila sa mga tao eh nariyan. Hindi lang sila puro salita, aaksiyonan talaga nila.” 

Ngiti lang naman ang isinagot ni Alvin nang mabanggit ang pangalan ni Kris Aquino na dating ini-link sa kanya at nagkasama sila sa pelikulang Tasya Fantasya ng Regal. 

Maikling sagot ni Alvin, “move forward na po tayo,” ngiting sagot ni Kapitan.

Sa huli, muling iginiit ni Alvin na totoong pagbabago ang ihahatid ng kanyang team sa bayan ng Cainta.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

James Reid kathryn Bernardo Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel-Kaila ‘di nagpatalbog kina James-Kathryn

PUSH NA’YANni Ambet Nabus NAGING usap-usapan ang performance nina James Reid at Kathryn Bernardo sa katatapos na Christmas Special …

Angelica Panganiban Ellen Adarna

Angelica, Ellen nag-follow sa kani-kanilang IG, isasama pa sa GC

PUSH NA’YANni Ambet Nabus AYAN na, nag follow na sa isa’t isa sina Angelica Panganiban at Ellen Adarna sa …

Mazel Paris Alegado SEAG

Alegado 11-anyos, nagwagi ng ginto sa women’s park event ng skateboarding sa SEA Games

BANGKOK — Maaaring si Mazel Paris Alegado, isang 11-anyos na skateboarder, na ang pinakabatang gold …

San Beda NCAA

San Beda winalis ang Letran para sa korona ng NCAA Season 101

TINAPOS ng San Beda University ang kampeonato sa men’s basketball ng NCAA Season 101 nang …

Alex Eala

Alex Eala, sisimulan ang kampanya para sa SEA Games gold laban sa Malaysian netter

NONTHABURI — Inaasahang makikita na sa aksyon si Alex Eala para sa Team Philippines habang …