NAGING matagumpay ang 3-araw local absentee voting sa National Capital Region Police Office (NCRPO)at ng National Support Units mula 27-29 Abril 2022, ayon kay NCRPO chief, P/MGen. Felipe Natividad.
Sa unang dalawang araw, may kabuuang 1,984 men in blue ang bumoto, 137 ay mula sa Regional Headquarters (RHQ), 110 mula sa Northern Police District (NPD) , 142 mula sa Eastern Police District (EPD), 110 mula sa Manila Police District (MPD), 283 mula sa Southern Police District (SPD), 440 mula sa Quezon City Police District (QCPD), 18 mula sa Presidential PNP Security Force Unit (PPFSU) at 404 mula sa Regional Mobile Force Battalion (RMFB).
Habang kabuuang 340 ang bumoto mula sa National Support Units (NSUs), na ang 21 ay mula sa Police Security and Protection Group (PSPG); 28 mula sa PNP Air Unit; 56 PNP mula sa Aviation Security Group (AVSEG); 21 mula sa Regional Maritime Unit Maritime (RMU); 18 mula sa Special Operations Units (SOU) Maritime; 186 mula sa Special Action Force (SAF); 9 mula sa Regional Internal Affairs Service (RIAS) at isang mula sa Regional Field Unit (RFU).
Samantala, sa, 168 mula sa NCRPO at 117 personnel mula sa NSUs, may kabuuang 285 ang bumoto.
Nasa 96% o 2,269 ang nakaboto mula sa dapat na kabuuang 2,495. Hindi nakaboto ang nasa 146 o 6% dahil sa reassignment sa ibang mga lugar, maternity leave at ilang personal na dahilan.
“Now that our police personnel already voted for this noble purpose, we can assure an intensified deployment of personnel to safeguard our fellowmen and their sacred votes, secure our centers, and protect the integrity of the election day,” ani Natividad. (GINA GARCIA)