Wednesday , December 17 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Rhea Tan Beautederm Maja Salvador Rambo Nuñez

Maja Salvador at lady boss ng Beautéderm na si Ms. Rhea Tan, solid ang friendship

“MATAGAL nang gustong pumunta rito ni Maja. So, nagse-set sila lagi ni Rambo kasi nga hindi kami nakapag-bonding noong birthday ko (last year). Matagal na nila ina-ask na i-celebrate, e laging hindi ako pwede lately. Sabi ko nga, ‘Anong okasyon?’ Pumunta talaga sila para makipag-bonding,” ito ang kuwento sa amin ni Ms. Rhean Tan.

Recently kasi ay dumalaw sa magarang tahanan ni Ms. Rhea sa Angeles City sina Maja Salvador at boyfriend na si Rambo Nuñez. Dito nga ay nakapag-bonding sila nang husto.

Napag-usapan ba ang kasal nina Maja at Rambo at kinukuha ba siyang ninang?

Tugon ni Ms. Rhea, “Hindi namin napag-usapan yung maraming details ng kasal nila. Siyempre happy-happy lang. Tapos ang main purpose nila is ipakilala yung Mama niya, kasi nga balikbayan tapos gusto nilang ipasyal dito sa Angeles, kasama rin yung kapatid niya.

“Ang sarap lang sa feeling na dinala niya yung family niya rito, kasi gusto rin akong makilala ng Mama niya na Ilokana rin at taga-Aparri,” masayang saad pa ng masipag at mabait na President at CEO ng Beautéderm.

Aniya pa, “Na-appreciate ko lang yung mga baby ko na pumupunta rito. Gusto ko yung pumupunta sila para makipag-bonding na parang family na rin yung turing nila sa akin kahit papaano. Ten am nandito na sila, so, ang haba ng bonding. Akala nga namin aalis agad sila, pero they enjoyed our company. Tapos na-appreciate ko talaga na very warm si Maja at ang family niya. So, lahat ng staff talaga naglabasan sa office, nakipag-picture sa kanya. Hindi siya napagod and makikita mo na nakikipagbiruan talaga siya.

“Alam nyo naman na ‘yun talaga ang weakness ko na dapat mabait din sa staff ko. Doon mo makikita yung totoong tao talaga na hindi lang yung CEO ang gusto mong maging friend.”

So, yung friendship nila ni Maja, mas naging solid ngayon? 

“Sir unang sama ko pa lang kay Maja, magaan na loob ko sa kanya. Walang adjustment period, click agad kami,” nakangiting saad pa ni Ms. Rhea.

Incidentally, full-support din si Ms. Rhea sa PBA Partylist na isa si Maja sa endorser. Nalaman namin na PBA and youth ang advocacy ni Rambo at isa siya sa nominees ng PBA Partylist, kasama sina Migs Nograles at Mark Sambar.

Ang PBA Partylist-Puwersa ng Bayaning Atleta, ang only Partylist for sports na ang ila sa platforms-Bring back the glory of Palarong Pambansa, National Training Center, Train National Coaches, Comprehensive Bike Route/Lane, Sports Complex in Luzon, Visayas & Mindanao, UAAP/NCAA/CESAFI/Vismin Basketball National Champion, Sports Medicine, at Sports Arbitration.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

James Reid kathryn Bernardo Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel-Kaila ‘di nagpatalbog kina James-Kathryn

PUSH NA’YANni Ambet Nabus NAGING usap-usapan ang performance nina James Reid at Kathryn Bernardo sa katatapos na Christmas Special …

Angelica Panganiban Ellen Adarna

Angelica, Ellen nag-follow sa kani-kanilang IG, isasama pa sa GC

PUSH NA’YANni Ambet Nabus AYAN na, nag follow na sa isa’t isa sina Angelica Panganiban at Ellen Adarna sa …

DOST Region 02 Upskills ST Pen Videography to Boost Scicomm

DOST Region 02 Upskills S&T Pen Videography to Boost Scicomm

The Department of Science and Technology (DOST) Region 02 strengthened its science communication initiatives as …

DOST Ilocos VAW

DOST Ilocos Region Deepens its Advocacy for a VAW-Free Philippines Through “ Orange your Icon” Event

Moving the region closer to a truly VAW-free community, the Department of Science and Technology …

PTFOMS Recto

Recto: Human security must be central to national security

Executive Secretary Ralph G. Recto has underscored that human security must be central to the …