Sunday , November 17 2024
Maja Salvador Rambo Nuñez Rhea Tan Beautederm

Maja-Rambo nakikipag-usap na sa mga magnininang sa kasal? 
CEO ng Beautederm Rhea Tan inuna 

PABONGGAHAN
ni Glen P. Sibonga

NATUTUWA ang Beautederm CEO at President na si Rhea Anicoche Tan na naka-bonding niya nitong Miyerkoles, Abril 27, ang newly engaged couple na sina Maja Salvador at Rambo Nuñez Ortega.

Isa si Maja sa brand ambassadors ng KENZEN at REIKO Beautederm Health Boosters kaya na-appreciate ni Rhea ang sweet gesture ng award-winning actress na dalawin siya sa kanyang bahay at opisina sa Angeles City, Pampanga at isinama pa nito ang fiance na si Rambo.

“Matagal nang gustong pumunta rito ni Maja. So, nagse-set sila lagi ni Rambo kasi nga hindi kami nakapag-bonding noong birthday ko (last year). Matagal na nila ina-ask na i-celebrate, eh laging hindi ako pwede lately. Sabi ko nga, ‘Anong okasyon?’ Pumunta talaga sila para makipag-bonding,” kuwento sa amin ni Ms. Rhea sa Messenger.

Actually, hindi lang si Rambo ang isinama ni Maja kundi pati ang pamilya niya kaya lalong natuwa si Ms. Rhea.

Natanong tuloy namin si Ms. Rhea kung kasama ba sa dahilan ng pagpunta nina Maja at Rambo ’yung kinukuha siyang ninang sa kasal?

“Hindi namin napag-usapan ‘yung maraming details ng kasal nila. Siyempre happy-happy lang. Tapos ang main purpose nila is ipakilala ‘yung Mama niya kasi nga balikbayan tapos gusto nilang ipasyal dito sa Angeles, kasama rin ‘yung kapatid niya. Ang sarap lang sa feeling na dinala niya ‘yung family niya rito kasi gusto rin akong makilala ng Mama niya na Ilokana rin at taga-Aparri,” salaysay pa ni Ms. Rhea.

Pero payag ba siyang maging ninang sa kasal nina Maja at Rambo? “Yes, of course! Napakabait ni Maja, para ko na siyang kapatid. Mabait din si Rambo, very humble kahit rich guy.”

Sumasaya kasi si Ms. Rhea kapag dinadalaw siya ng kanyang endorsers at ambassadors. “Na-appreciate ko lang ‘yung mga alaga ko na pumupunta rito. Gusto ko ‘yung pumupunta sila para makipag-bonding na parang family na rin ‘yung turing nila sa akin kahit paano.”

Napaka-down-to-earth ni Maja kaya ikinatuwa ni Ms. Rhea na pati ang kanyang Beautederm staff ay hinarap nang maayos ng aktres. “Ten o’clock (ng umaga) nandito na sila. Napakaaga nila. So, ang haba (ng bonding). Akala nga namin aalis agad sila eh, pero they enjoyed our company. Tapos na-appreciate ko talaga na very warm si Maja at ang family niya. So, lahat ng staff talaga naglabasan sa office, nakipag-picture sa kanya. Hindi siya napagod and makikita mo na nakikipagbiruan talaga siya. Alam niyo naman ‘yun talaga ang weakness ko na dapat mabait din sa staff ko. Roon mo makikita ‘yung totoong tao talaga na hindi lang ‘yung CEO ang gusto mong maging friend.”

Tulad ng ibang Beautederm ambassadors na dumadalaw kay Ms. Rhea, sumabak din sa Hakot Challenge sina Maja at Rambo. Tuwang-tuwa nga ang dalawa dahil ang dami nilang nahakot na Beautederm products.

Samantala, suportado rin ni Ms. Rhea ang pagtakbo ni Rambo sa politika bilang isa sa nominees ng PBA Partylist – Puwersa ng Bayaning Atleta, kasama ang co-nominees na sina Migs Nograles at Mark Sambar. Ito ang natatanging partylist para sa sports sa Congress. Adbokasiya nito na pag-ibayuhin at linangin ang palakasan pati na ang mga kabataan sa bansa. 

Siyempre todo-suporta rin si Maja sa kanyang future husband kaya siya ang celebrity endorser ng PBA Partylist na number 52 sa balota.

About Glen Sibonga

Check Also

Ai Ai de las Alas Gerald Sibayan

Gerald pinakamabait sa naging asawa ni Ai Ai

HATAWANni Ed de Leon KUNG si Ai Ai delas Alas ay benggador, ang kailangan lang niyang gawin …

Robbie Jaworski Andres Muhlach

Robbie Jaworski pantapat ng ABS-CBN kay Andres Muhlach ng TV5

HATAWANni Ed de Leon UY pumasok pala sa ABS-CBN si Robbie Jaworski, anak nina Dudot Jaworski at Mikee Cojuangco na mukhang …

Tom Rodriguez

Tom sa pagkakaroon ng anak: Napakasarap palang maging isang ama

RATED Rni Rommel Gonzales NAPAKAGWAPO ng anak ni Tom Rodriguez. Very proud siya na ipinakita mismo …

Lala Sotto-Antonio MTRCB ICC

Responsableng Panonood ng MTRCB pinuri sa ICC, Bangkok

BINIGYANG-DIIN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto-Antonio na obligasyon ng mga …

Sa pagwawakas ng politically charged teleserye Pamilya Sagrado 
PIOLO SUPORTADO PARTYLIST NA TAPAT SA KANYANG PRINSIPYO 

KAPANA-PANABIK ang pagtatapos ng socio-political-action drama teleserye ni Piolo Pascual, ang Pamilya Sagrado sa ABS-CBN bukas. At dahil dito hindi …