Sunday , January 4 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Bongbong Marcos Sara Duterte Agimat Partylist

BBM–Sara kakampi ng Agimat Partylist 

HARD TALK
ni Pilar Mateo

 HINDI kailanman nawala sa lahat ng ginagawang pag-iikot ng Bongbong Marcos at Sara Duterte ang Agimat Partylist na palaging nakawagayway ang mga poster saan mang sulok ng bansa ganapin ang mga pagtitipon.

Ang Agimat Partylist na buong-buo rin ang suporta sa tambalang BBM-Sara ay hindi rin pinababayaan ng pinakamalakas na kandidato sa pagkapangulo at ikalawang pangulo ang naturang partylist na kanila ring ikinakampanya para mahalal sa papalapit na eleksiyon.

Nabatid na ang first nominee ng partylist ay si Bryan Revilla, panganay na anak ng mag-asawang Sen. Ramon Bong Revilla, Jr. at Bacoor  City Mayor Lani Mercado-Revilla na malaki ang partisipasyon para mabuo ang tambalang BBM-Sara.

Noong ikinasal ang anak na babae ni Bong na ginanap sa kanilang farm sa Silang, Cavite na dinaluhan nina BBM, Sara at iba pang personalidad sa politika na kasabay nito ay nabuo ang tambalang BBM-Sara sa mismong pinagdausan ng kasal.

Ang Agimat ng Masa na mahigit nang isang dekadang itinatag na siyang nangunguna sa pagtugon sa mga biktima ng kalamidad at iba pang problema na kailangan ng mabilis na pagtugon at dahil sa hiling ng mga natulungan nito ay tuluyang ginawang Agimat Partylist at #90 sa balota.

Nabatid na mula  2011 pa ay nagsisilbi ito na umaagapay, nakikiisa sa mga pamayanan at patuloy ang mga programang pangkalusugan, pangkabuhayan hanggang sa pagsuporta sa isinasagawang online learning ng mga mag-aaral.

Ayon kay Bryan, sa dinami-dami ng kanilang natulungan ay tila marami pa rin ang kakulangan sa pangangailangan ng ating mga kababayan na kailangan nang susugan ng mga polisiya para mas maging epektibo at maging pangmatagalang kabuhayan.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Pilar Mateo

Check Also

Purple Hearts Foundation Love Kryzl

Purple Hearts Foundation naghatid- saya sa Year-End Gift-Giving Outreach sa mga karatig-barangay

MATAGUMPAY na naisagawa ng Purple Hearts Foundation sa Kryzl Farmland ang Purple Hearts Foundation Gives Back, year-end outreach …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald pamparelaks ang pag-akyat sa bundok

RATED Rni Rommel Gonzales MALAKING pribilehiyo kay Gerald Anderson na mapasama ang pelikulang Rekonek sa 51st Metro Manila Film Festival …

Jennifer Lee Mark Aries Luancing

Jennifer Lee ikinasal sa isang konsehal ng Lipa; Matagumpay na ring DJ

RATED Rni Rommel Gonzales NAGKAKILALA sina Jennifer Lee at Konsehal Mark Aries Luancing sa Lipa, Batangas noong 2021. Si …

Judy Ann Santos UFC

Judy Ann ibinahagi 12 meals/food for Christmas

RATED Rni Rommel Gonzales NAHINGAN si Judy Ann Santos, habang magpa-Pasko naman na, kung may …

Vice Ganda, Ion Perez pinaghahandaan pagkakaroon ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SINABI ni Vice Ganda, sa isang panayam na willing sila ni Ion Perez na …