Monday , November 18 2024
Agimat Party-list Bong Revilla Bryan Revilla

Agimat Partylist ni Bryan Revilla, kasangga ng BBM-Sara tandem!

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

BUONG-BUO ang suporta ng Agimat Partylist sa BBM-Sara tandem at hindi rin pinababayaan ng pinakamalakas na kandidato sa pagkapangulo at ikalawang pangulo ang naturang partylist na kanila ring ikinakampanya para mahalal sa papalapit na eleksiyon.

Katunayan, present sa lahat ng ginagawang pag-iikot ng tambalang Bongbong Marcos at Sara Duterte ang AGIMAT Partylist na palaging nakawagayway ang mga posters saan mang sulok ng bansa ganapin ang mga pagtitipon.

Nabatid na ang first nominee ng Agimat Partylist ay si Bryan Revilla, panganay na anak ng mag-asawang Sen. Ramon ‘Bong’ Revilla, Jr. at Bacoor City Mayor Lani Mercado-Revilla ay malaki ang partisipasyon para mabuo ang tambalang BBM-Sara. Matatandaang kamakailan lamang ay ikinasal ang anak na babae ni Sen. Bong na ginanap sa kanilang farm sa Silang, Cavite na dinaluhan nina BBM, Sara at iba pang personalidad sa politika. Kasabay nito ay nabuo ang tambalang BBM-Sara sa mismong pinagdausan ng kasal.

Ang Agimat ng Masa na mahigit ng isang dekadang itinatag ang nangunguna sa pagtugon sa mga biktima ng kalamidad at iba pang problema na kailangan ng mabilis na pagtugon at dahil sa hiling ng mga natulungan nito ay tuluyan na itong ginawang Agimat Partylist at #90 sa balota.

Nabatid na mula taong 2011 pa ay nagsisilbi na ang Agimat ng Masa na umaagapay, nakikiisa sa mga pamayanan at patuloy ang mga programang pangkalusugan, pangkabuhayan hanggang sa pagsuporta sa isinasagawang online learning ng mga mag-aaral. Ayon kay Bryan, sa dinami-dami ng kanilang natulungan ay tila marami pa rin ang kakulangan sa pangangailangan ng ating mga kababayan na kailangan nang susugan ng mga polisiya para mas maging epektibo at maging pangmatagalang kabuhayan.

“Kung mabibigyan kami ng pagkakataon ay patuloy na isusulong ng Agimat ang multi-sectoral na pamamalakad sa pamamagitan ng paglahok sa pagbuo ng mga polisiya para tugunan ang pangangailangan ng bawat sektor at hindi natin ito maisasakatuparan kung wala tayo sa Kongreso” paliwanag pa ni Bryan.

Ipinahayag pa ni Bryan na mula sa mga manggagawa, maging sa pribado man o pampublikong tanggapan, magsasaka, mangingisda, propesyonal, mga maliliit hanggang malaking negosyante, mga nakatatanda, kabataan at maging ang may kapansanan o PWD ay bibigyan ng kaukulang pansin.

“Hindi na ito basta politika lang o pangako lamang dahil matagal na namin itong ginagawa kahit noong hindi pa kami partylist” esplika pa ni Bryan.

About Nonie Nicasio

Check Also

MTRCB Tara, Nood Tayo Lala Sotto

MTRCB, PCO, PIA, at OES nagkasundo sa pagsusulong ng Responsableng Panonood

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio ILULUNSAD ng ilunsad ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) …

Edu Manzano Shaina Magdayao Kim Atienza

Batas vs piracy paigtingin, Pinoy nahaharap sa matinding panganib (Edu, Kuya Kim, Shaina nagpahayag ng suporta)

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio MAS mataas ang mga cyberthreat na haharapin ng mga Filipino …

Tom Rodriguez

Tom walang issue ang pagkakaroon ng anak

HATAWANni Ed de Leon INAMIN na ni Tom Rodriguez na may anak na siyang lalaki na apat …

Ai Ai de las Alas Gerald Sibayan

Gerald pinakamabait sa naging asawa ni Ai Ai

HATAWANni Ed de Leon KUNG si Ai Ai delas Alas ay benggador, ang kailangan lang niyang gawin …

Robbie Jaworski Andres Muhlach

Robbie Jaworski pantapat ng ABS-CBN kay Andres Muhlach ng TV5

HATAWANni Ed de Leon UY pumasok pala sa ABS-CBN si Robbie Jaworski, anak nina Dudot Jaworski at Mikee Cojuangco na mukhang …