SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio
INISA-ISA ni Vince del Rosario, president and COO ng Viva Films sa bonggang launching nila ng Summer to the Max angmga bagong pelikula na mapapanood sa Vivamax. Ang launching ay dinaluhan ng mga artistang bibida sa kanilang upcoming projects this year.
Una nang ibinalita ang magiging entry nila sa Metro Manila Film Festival 2022 na pagbibidahan ni Vice Gandagayundin ang comeback movie ng mga reyna ng Viva na sina Anne Curtis at Sarah Geronimo.
Ibinalita rin ni Vincent na kahit may pandemya, mabilis na nag-number one ang Vivamax bilang nangungunang Filipino streaming platform sa bansa. Katunayan mayroon na itong 3 million subscribers.
“Si Anne, hinihintay lang ‘yung script. In essence, okay naman siya. Gusto lang niya mabasa ang script so that can happen in the next quarter, in the next few months.
“Si Sarah, nag-line up sina Val (del Rosario) ng mga ipi-pitch na concept sa kanya. Medyo mas mahirap lang kasi very selective si Sarah sa gusto niya.
“Mayroon siyang concept na gusto. Kailangan lang i-fine tune para pumasok sa gusto niya. Basically, ang gusto niya, gumawa ng musical movie so we have to find the right theme.
“Si Vice naman, inaayos na. Nag-uusap na sila ni Boss Vic for her next project. Hopefully for the festival and there after, for the platform,” anang Viva executive.