PABONGGAHAN
ni Glen P. Sibonga
GUSTO nang guwapo at talented singer na si Yohan Castro na sinuman kina Alden Richards o Joshua Garciaang gumanap bilang siya sakaling isasatelebisyon ang kanyang life story sa Magpakailanman ng GMA-7 o sa Maalaala Mo Kaya.
“Si Alden po kasi ang parang Piolo Pascual ng ABS-CBN. ‘Yun ang datingan ni Alden sa GMA-7. ‘Yung mga heavy role sa acting nakakamit talaga ni Alden. Kung sa ABS naman po magkakaroon ng chance na maibahagi ‘yung aking life story siguro po si Joshua Garcia. Ang galing po niya. Nakikita ko kung paano siya umarte sa mga pelikula at mga teleserye sobrang galing niya,” sabi ni Yohan.
Maganda ang life story ni Yohan dahil makulay at challenging din ang kanyang mga pinagdaanan at naranasan bilang isang singer, SPED teacher ng mga batang may autism at may special needs, isang overseas Filipino worker sa Macau at ngayon bilang brand ambassador ng iba’t ibang produkto at services.
“Ako po si Yohan Castro, 25 years old, mula po sa Batangas. Nagbabalik po ako sa showbiz. Before po hawak po ako ng the late OPM icon na si Ms. Claire Dela Fuente from ‘Protege’ Season 1. So, roon talaga ako nag-start sa showbiz. Nagkaroon din po ako ng experience na makatrabaho ang iba’t ibang artista at singer like sina Ogie Alcasid at Aiza Seguerra. After niyon nabuwag ‘yung aming group na binuo ni Ms.Claire. Ang plano kasi niya noon maging IL Divo kami ng Pilipinas. Pero noong mabuwag siya, hindi ko na naipagpatuloy ‘yung career ko. Nangibang bansa na lang ako, nagtrabaho ako bilang isang OFW sa Macau, China as a hotel staff sa Venetian Hotel. Tapos sa Wynn Hotel Macau. After that nagkaroon ng pandemic, so bumalik ako rito sa Pilipinas. And then ngayon naging endorser ng iba’t ibang produkto at services,” salaysay ni Yohan.
Endorser at brand ambassador si Yohan ng Queen Eva Salon, Luminescence Face and Body Care, Le Premier Language International, General Trias Medical Hospital, Wash N’ Fresh Laundry Cafe, at Tierra Montephine Resort Timberlake.
Ngayong nagbabalik showbiz si Yohan, gusto niya ring sumabak sa pag-arte bukod sa pagkanta. May gagawin na siyang BL series o movie kasama si Bidaman Miko Gallardo. Naghahanda na rin si Yohan para sa kanyang upcoming album at concert.
May guestings din siya sa Letters And Music ng NET 25 at sa COVID Out, Ate Gay In comedy concert sa Music Box sa Quezon City ngayong April 28.
Sa tinatamasang blessings ni Yohan ngayon, malaki ang pasasalamat niya sa kanyang mabait na manager na si Dr. Arthur Cruzada. “After Ms. Claire Dela Fuente, nakita ko po sa kanya yung sigasig sa pag-handle ng talent although baguhan pa lang siya sa pagma-manage. Pero meron kasi siyang genuine heart to help people at alam kong matutulungan niya ako to have better future and a good career.”
Goodluck, Yohan!