IPINAHAYAG ng talented na singer/recording artist/actress na si Erika Mae Salas na dahil sa pandemic, sobrang na-miss niya ang mag-perform sa live audience.
Panimulang kuwento niya, “Sobrang nakaka-miss talaga ang mag-perform sa live audience. Iyong appreciation po nila ang nagmo-motivate sa aming mga singers na pagbutihan ang aming ginagawa.”
Ano ang pinagkaka-abalahan niya mula nang nagka-pandemic? “Tutok po sa studies, kagaya niyan na katatapos lang po naming mag-rehearse sa Laguna sa isang school project. Bale two days din po inabot.
“Every Sunday as much as possible, may Erika’s Acoustic Live naman po ako sa aking Facebook page. Doon po, we sing, we talk about our experiences and kinakanta rin po namin ang requested songs ng aming audience. Nakikipag-interact din po kami sa kanila. It’s fun po doing the show kasi nahahasa ang communication skills ko thru the help po ng aking mga kasama,” esplika pa ni Erika Mae na nag-aaral ng Music Theater sa UST Conservatory of Music.
Ano ang reaction niya na part siya ng Covid Out, Ate Gay In sa Music Box? Ano ang masasabi niya kay Ate Gay as a performer?
Masayang tugon ni Erika, “Very honored po ako na makasama sa show ni Ate Gay sa Music Box. It’s about time po na maging masaya naman ang lahat after ng pandemic. Deserve naman po natin ang mag-unwind and mag-alis ng stress thru good music and laughter.”
Aniya pa, “Napapanood ko lang po si Ate Gay sa TV and now part na ako ng show niya. ‘Wow! Ang sarap po ng feeling!’ Very grateful po ako sa TEAM na ikinonsider ako na isama sa show. Fan po ako ng mga mash ups nya na talaga namang nakakatuwa.
“Super-excited po ako na makita kayong muli at makabalik sa Music Box na naging place rin po ng karamihan sa mga shows ko noon. Parang Music Box baby na rin po ako sa rami ng shows na nagawa ko na po rito,” saad pa ni Erika Mae.
Ang Covid Out, Ate Gay In ay proyekto ng TEAM (The Entertainment Arts & Media) at pamamahalaan ni Direk Obette Serrano. Ito ay gaganapin this Thursday, April 28, 8pm sa Music Box Timog, Quezon City at ang beneficiary ay ang GRACES – Home for the Aged.
Special guest ni Ate Gay dito ang Vivamax star na si Sean de Guzman at Starstruck alumnus na si Karl Aquino. Bukod kay Erika Mae, mapapanood din dito sina Dax Martin, Regina Otic, EJ Salamante, Janah Zaplan, Jasmine Heart Domingo, Yohan Gomez, at Lester Paul. May special number din dito sina Marc Cubales at Ms. Joyce Pilarsky.
Kabilang sa pinasasalamatang sponsors ng TEAM sina Ms. Emma Cordero, Centerstage Productions at Direk Brillante Mendoza, Joed Serrano, Ms. Julie Defensor, Joyce Penas Pilarsky, BG Productions and PC Gooodheart ni Ms. Baby Go, Queen Evas Salon, Skin Light, Princess Revilla Foundation, at Beauty Lab. Nagpapasalamat din ang TEAM kay Jobert Sucaldito ay kay Ms. Len Carrillo.