Saturday , December 20 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Azi Acosta Jojo Veloso

Azi Acosta, irarampa na sa pelikula ang taglay na hotness!

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

IPINAGMAMALAKI ng kilalang manager na si Jojo Veloso ang bago niyang talent na si Azi Acosta.

Si Azi ay 18 years old, may taas na 5’ 7” at itinuturing na bagong Vivamax baby na handang sumabak sa hubaran. Isa siya sa tatlong bagong alas ni Tito Jojo along with Alexa Ocampo and Allison Smith, na pare-parehong siksik sa kaseksihan at palaban sa pagsasabog ng alindog.

Si Azi ang lalabas na isa sa casts at bibida sa pelikulang Balik Taya, Taya-Part 2. Member si Azi ng The Fabulous Girlfriends at sinasabing look-alike ni Alice Dixson. Siya ay pumirma ng 10 picture contract for five years sa Viva, kaya sobra-sobra ang kagalakan niya na isa na siyang ganap na Viva artist.

Masayang lahad ni Azi, “Sobra pong excited ako, na na-overwhelm… kasi ay maraming tao na hindi nabibigyan ng opportunity, tapos dumating po ito. So hayun, siyempre nasa harap ko na po ang opportunity, kaya i-grab ko na po.”

Palaban at game sumabak sa pagpapa-sexy ang dalaga.

Nakangiting saad niya, “Yes, I am po, game naman akong magpa-sexy, basta po iyong hindi lalagpas sa limit ko. Like, siyempre iyong bawal hawakan at iyong hindi po ilalabas ang dila, hahahaha! Although okay lang naman po if accident lang.”

Ano ang kaya niyang ipasilip sa kanyang mga pelikula?

Sambit ni Azi, “Ang kaya ko pong ipakita ay iyong aking upper body, kaya ko rin pong magpakita ng butt.”

Ayon pa sa dalaga, itinuturing niyang kabilang sa kanyang physical asset ang kanyang bilugan at matambok na puwet!

Aniya, “Sa tingin ko po ay itong butt ko ang aking best physical asset, kasi rati ay athlete po ako, tapos lagi rin pong nako-compliment itong aking butt. Yes po, kumbaga pansinin po talaga itong aking puwet, hehehe.

“Nag-martial arts po ako, Taekwondo, Muay Thai, kaya po ganito kabilog ang puwet ko, hehehe. Noong nagkaroon ng pandemic, nag-stop po akong maging active sa sports.”

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

MMFF Parade

MMFF Parade of Stars magsisimula sa Macapagal Ave

I-FLEXni Jun Nardo PARADE of Stars ngayong hapon para sa 51st Metro Manila Film Festival sa Makati City. …

ABS-CBN ALLTV TV5

ABS-CBN bayad na raw utang sa TV5 

I-FLEXni Jun Nardo BAYAD na raw ang obligasyon ng ABS-CBN sa TV5. Ayon ito sa kumalat na press release …

Zsa Zsa Padilla Aliw Awards

Aliw Awards nag-sorry kay Zsa Zsa

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez HUMINGI ng paumanhin ang Aliw Awards Foundation sa aktres/singer, Zsa Zsa Padillamatapos isauli ang Lifetime …

Andrea Brillantes Rekonek

Andrea naospital, ‘di nakadalo sa preem; Rekonek positibo mensahe sa pamilyang Pinoy

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez MAGANDA ang iniwang mensahe ng pelikulang Rekonek: anumang pinagdaraanan ng pamilya, mag-away-away …

Zaijian Jaranilla Earl Amaba Krystel Go Im Perfect

Zaijian nahirapan noong una: pero nang nakita ko ‘yung eksena sobrang magical

RATED Rni Rommel Gonzales MAHUSAY na aktor pero aminado si Zaijian Jaranilla na nahirapan siya sa papel …