BILANG SUPORTA sa mga pagsisikap ng lungsod sa pangangalaga ng kapaligiran, hinihikayat ng pamahalaang lungsod ng Taguig, ang kanilang mga mamamayan na lumahok sa weekly open-age clean-up drive.
Ayon sa local government unit (LGU) sa pamamagitan ng City Environment and Natural Resources Office (CENRO), ang clean-up drive ay isang lingguhang aktibidad na sabay-sabay na gagawin sa ilang barangay sa Taguig upang mapanatili ang pagiging luntian at kalinisan ng lungsod.
Isa rin ito sa mga proyekto ng CENRO katuwang ang mga Taguigeños upang maiwasan ang mga pagbabara ng mga basura sa daluyan ng tubig na naging sanhi ng mga pagbaha sa mga lansangan sa tuwing panahon ng tag-ulan.
Paalala ng LGU sa mga residente ng Taguig, ugaliin ang pagiging disiplinado, habang nasa lansangan, kung walang malapit na tapunan ng basura tulad ng mga balot ng pagkain o balat ng Kendi ay dapat ibulsa na lamang ito o kaya ay ilagay sa bag. (GINA GARCIA)