Sunday , December 22 2024
Yohan Castro

Yohan Castro, happy na maging part ng show ni Ate Gay sa Music Box sa April 28

SINABI ng guwapitong newbie singer na si Yohan Castro na siya ay nagagalak na maging parte ng show ni Ate Gay sa Music Box, Timog, Quezon City titled Covid Out, Ate Gay In. Ito’y gaganapin sa Thursday, April 28, 8pm at ang baneficiary ng show ay ang GRACES-Home for the Aged.

Special guest dito ni Ate Gay ang mga Vivamax stars na sina Sean de Guzman at Karl Aquino. Ang show na mula sa TEAM (The Entertainment Arts & Media) ay pamamahalaan ni Obette Serrano. Mapapanood din dito sina Dax Martin, Regina Otis, EJ Salamante, Janah Zaplan, Erika Mae Salas, Jasmine Heart Domingo, at Lester Paul. May special number din dito sina Ms. Joyce Pilarsky at Marc Cubales.

Wika ni Yohan, “Sobra akong nagagalak at ipinagmamalaki na makakasama ako as one of the guest in Ate Gay sa show sa Music box. Isang karangalan na makasama sa show nya, kasi isa siyang malaking bituin sa larangan ng komedya, pelikula, concerts at shows sa bansa.”

Aniya pa, “Nakakapanood din ako ng ilang comedy shows sa Philippine television at nakikita ko lagi si Ate Gay na pagdating sa comedy, wala akong masabi dahil napapasaya nya ako at ang maraming tao. Talagang may ibang galing si Ate Gay aa pagpapatawa na kanya lang at di ginaya sa ibang komedyante, ‘ika nga may originality siya.”

Si Yohan ay unang nagkapuwang sa mundo ng showbiz via sa reality singing contest ng GMA-7 na Protégé, Battle for the Big Break-Season 1 na isa siya sa naging finalists. “Nag-start po ako at napasok ang showbiz dahil isa ako sa napili ng namayapang haligi ng OPM na si Ms Claire dela Fuente.

“Nagkaroon kami ng boyband na pinangalanang Men of Soul and Talents, kaso mabilis nabuwag ang group nang nag-decide mag-migrate ang isang member hanggang ‘di na natuloy ang management with Ms. Claire.”

Si Yohan at ang Bidaman na si Miko Gallardo ang napisil ng Queen Eva Salon at Luminessence ni Dr. Joy Nazareno na maging ambassadors nito. Nakatakda rin si Yohan maging brand ambassador sa General Trias Hospital at sa laundry shop at coffee shop sa Laguna.

Sino ang manager niya? “Ang manager ko ay si Dr. Arthur Cruzada, ang president ng Queen Eva Salon Spa and Wellness with partnership sa Luminesxence Aesthetic Skin and Body Care.”

Bukod sa pagiging singer, model, at endorser, aktor din ba siya?

Esplika niya, “Soon pa po, this year ay may ipo-produce sina Doc. Arthur Cruzada together with our close friend as co-producer niya na si Ms. Kat from US, hinihintay lang makabalik si Ms. Kat.

“It’s a film and BL series, bale mag-i-start pa lang po ako sa mundo ng acting. Singing is really my forte,” sambit pa ni Yohan,

About Nonie Nicasio

Check Also

Joel Cruz P25-M 25th anniversay Aficionado 

Joel Cruz mamimigay ng P25-M sa 25th anniversay ng Aficionado 

MATABILni John Fontanilla MAMAMAHAGI ng P25-M ang tinaguriang Lord Of Scents na si Joel Cruz …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

MMFF50

Sampung pelikula para sa MMFF50, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ILANG araw bago ang Kapaskuhan, inilabas na ng Movie and …

MMFF 2024 MTRCB

Mga pelikula sa MMFF, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

INILABAS na ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang angkop na klasipikasyon …