SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio
MASAYA si Ryza Cenon na balik-trabaho na siya matapos manganak at magka-pandemic. Isa siya sa bida ng Rooftop ng Viva films, kasama sina Marco Gumabao, Rhen Escano, Marco Gallo, Ella Cruz, Andrew Muhlach, at Epy Quizon.
Isang nakakikilabot na experience ang naghihintay sa buong barkada, kaya imbitado kayong lahat na magpunta sa ROOFTOP, na showing exclusively sa SM Cinemas simula April 27, 2022 at idinirehe ni Yam Laranas.
“Na-miss ko talaga ang magtrabaho at ang showbiz. Since nagka-pandemic hindi na ako nag-work. But now, I’m really ready to work again, lalo na at one and a half years old na ang baby ko. Sana, after ‘Rooftop’, magtuloy-tuloy na,” sambit ng aktres na pumayat na at tila hiyang ang pagkakaroon ng baby dahil mas gumanda pa ito.
Sinabi pa ni Ryza na nape-pressure rin siya sa pagpapalabas ng Rooftop sa mga sinehan.
Aniya, “Kinakabahan ako kasi kami ang unang ire-release sa mga sinehan after a long time. We know people are still scared to go to cinemas, pero sana suportahan pa rin nila ang aming movie. Siempre iba pa rin ‘yung experience watching a movie on the big screen, lalo na kung horror film like this, mas nakae-excite. After all, they go na naman to the malls na laging puno ng mga tao sa ngayon. So manood na kayo ng ‘Rooftop’ and we assure you it’s gonna be worth it.”
Naikuwento ni Ryza na sobra siyang napagod sa pelikulang ito dahil napakarami niyang pagtakbong ginawa.
“Nakakapagod, kasi sigaw ka ng sigaw. Tapos takbo ako ng takbo. Kaya nga ang dami kong naiinom na tubig dahil sa sobrang pagod. Tapos, may blood effects pa. I played a manananggal before in my first horror movie at ako ang nananakot, but now, ako ‘yung tinatakot. Mahirap kasi, we shot in an abandoned hospital at may nararamdaman talaga ako sa set kasi haunted daw talaga ‘yun.”
Sa kabilang banda, puring-puri si Ryza ni Direk Yam. Ganoon din naman ang aktres at sinabing, “First time kong makatrabaho si Direk Yam. As a director, sobrang galing niya. Siya ang nagsulat ng script, siya ang nagdirehe, at siya ang director of photography. So, tatlong trabaho ‘yung ginawa niya.
“At ‘yung production staff mabibilis silang lahat kumilos, so ‘yun naman ang nagustuhan ko,” kuwento pa ng aktres.
Kaya kung gusto ninyong matakot ngayong summer, watch na kayo ng Rooftop sa lahat ng SM cinemas.