Saturday , December 20 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Bela Padilla Zanjoe Marudo JC Santos

Bela Padilla nakabibilib, malalim na direktor  

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

PASADONG-PASADO ang unang directorial job ni Bela Padilla. Naipakita niya ang talento at husay sa pagdidirehe sa 366 ng Viva Films na mapapanood na sa Vivamax sa Abril 22. 

Kahanga-hanga si Bela na napagsabay niya ang pag-arte at pagdidirehe. Idagdag pa na siya ang nagsulat ng kuwento nito. Leading man niya sa 366 sina JC Santos at Zanjoe Marudo.  

Isa kami sa nagkaroon ng pagkakataong mapanood ang 366 via private screening at hindi kami makapaniwalang malalampasan ng aktres ang expectation namin kaya hindi kataka-taka na maging ang mga co-actor niyang sina JC at Zanjoe ay ganoon na lamang ang paghanga at pagkabilib sa galing niya. 

Maayos ang pagkakalatag ng kuwento ni Bela ukol sa isang long distance relationship na nang magkaroon ng pagkakataong magkasama ay nagkaroon ng trahedya. To the rescue ang kaibigang tumulong sa kanya para makalimot. Masalimuot at hindi madali ang naranasang proseso.  

Bukod sa ganda ng kuwento at pagkaka-edit nito, malinis ang script at maayos ang production design. Maganda rin ang mga dialogue na ginamit na akma sa relasyong gustong mag-move-on o makalimot sa isang relasyon.

Maayos din ang acting ng mga aktor at masasabing tinutukan sila ni Bela para lalong mapaganda ang pelikula. Sabi nga ni JC, nahabag siya nang sobra dahil magnified na magnified iyong feeling dahil nakikita ‘yung close up at reaksiyon ng mata. Maayos ang pagkakakuha ni Bela nga naman sa tagpong ito. 

Tiyak din na magmamarka ang ipinakitang akting ni Zanjoe na ibang-iba sa mga napanood sa pelikula at seryeng ginawa niya. 

Sabi nga ni JC, isa ito sa best performance ni Zanjoe dahil sa bawat tingin markado ang ginawa niya.

Sa kabilang banda, tama ang tinuran ni Bela na malungkot ang pelikula. Ibinase ito sa true story na na-witness niya habang nagbabakasyon.

Tragic nga kung ilarawan niya ang 366.  “It’s a very tragic love story. But also, going through the pandemic, I tweaked it a little bit, and 366 now has more of a significance for me.

“It’s set in a leap year kaya 366. Parang it’s now more realizing that we have to take every day and treat it as best as we could and really maximize these days.

“So if you’re given a choice, if you want to spend one day just being sad or crying or feeling bad or negative, or you could make an effort and be happy and have an extra day to fall in love and have an extra day to love yourself, where would you go and what would you choose?

“So that’s the journey of the character I play and the characters that I will be with in 366,” aniya pa.

Hindi naman sinolo ni Bela ang kredito ng husay niya sa pagdidirehe dahil sinabi niyang tinulungan siya ni Direk Irene Villamor  para magawa niya ng tama ang pagdidirehe. Aniya, si Direk Irene ang nag-guide sa kanya sa buong proseso ng pagdidirehe ng 366.

Mapapanood na ang 366 sa Vivamax.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

MMFF Parade

MMFF Parade of Stars magsisimula sa Macapagal Ave

I-FLEXni Jun Nardo PARADE of Stars ngayong hapon para sa 51st Metro Manila Film Festival sa Makati City. …

ABS-CBN ALLTV TV5

ABS-CBN bayad na raw utang sa TV5 

I-FLEXni Jun Nardo BAYAD na raw ang obligasyon ng ABS-CBN sa TV5. Ayon ito sa kumalat na press release …

Zsa Zsa Padilla Aliw Awards

Aliw Awards nag-sorry kay Zsa Zsa

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez HUMINGI ng paumanhin ang Aliw Awards Foundation sa aktres/singer, Zsa Zsa Padillamatapos isauli ang Lifetime …

Andrea Brillantes Rekonek

Andrea naospital, ‘di nakadalo sa preem; Rekonek positibo mensahe sa pamilyang Pinoy

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez MAGANDA ang iniwang mensahe ng pelikulang Rekonek: anumang pinagdaraanan ng pamilya, mag-away-away …

Zaijian Jaranilla Earl Amaba Krystel Go Im Perfect

Zaijian nahirapan noong una: pero nang nakita ko ‘yung eksena sobrang magical

RATED Rni Rommel Gonzales MAHUSAY na aktor pero aminado si Zaijian Jaranilla na nahirapan siya sa papel …