Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Kim Chiu Xian Lim

Xian Lim to Kim Chiu: I love you and I’m crazy about you

PABONGGAHAN
ni Glen P. Sibonga

ISINAPUBLIKO ni Xian Lim sa pamamagitan ng Instagram post ang kanyang pagmamahal at paghanga sa minamahal niyang girlfriend na si Kim Chiu kasabay ng pagbati sa kaarawan nito noong April 19.

Ipinost ni Xian ang pictures ng sweet moments nila ni Kim kasama ang caption na, “To my person that makes my heart beat faster and slower at the same time. To my person that genuinely thinks of others before herself. To my person that loves unconditionally and is naturally born with a kind heart. To my person, to my always, happiest birthday! Millions of people love you. I love you and I’m crazy about you. Enjoy your day love. Breathe, slow down, cherish the moment.”

Sa kanyang IG naman ay pinasalamatan ni Kim si Xian na bukod sa pagiging boyfriend ay naging travel buddy din niya.

“In life, it’s not where you go, but who you travel with. Coz together is our favorite place to be.

“Thank you sa pagsakay mo sa lahat ng trip ko gawin kahit pagod ka na. For all the patience especially shopping!!!! You always tell me, ‘cge lang don’t worry about me.’ Thank you xi!!!” mensahe ni Kim para sa kanyang boyfriend.

Mahal na mahal talaga nina Kim at Xian ang isa’t isa. Nakatulong sa matatag na relasyon nila iyong naging matagal ang ligawan nila kaya mas nakilala nila ang bawat isa gaya nang inamin nila sa isa nilang vlog sa YouTube.

Pagdidiin ni Kim, hindi niya agad sinagot si Xian nang manligaw ito.

One-and-a-half years. Siyempre para sure. Ayaw ko namang makipaglaro sa feelings ko,” ani Kim.

Wala namang pagsisisi si Xian kahit pa natagalan ang kanyang panliligaw. “A relationship is like building a house. Dapat strong ‘yung foundation niyo. Hindi strong ‘yung foundation niyo kung laro laro lang ‘yung sa umpisa. Mabilis lang din ‘yung mabubuwag. Make sure the foundation is great before you jump into anything. Kung bigla niyo lang sinagot ‘yung tao, konting yanig lang, wala na,” sabi ng aktor. 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Glen Sibonga

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …