Wednesday , May 14 2025
RB Potot Memorial Chess

Rocamora Susulong sa 2nd RB Potot Memorial Team Tatluhan

PAGKAKATAON  ni Engineer Rocky Rocamora na ipamalas  ang kanyang husay sa pagsulong  ng 2nd RB Potot Memorial Team Tatluhan at Individual Chess Tournament sa Abril 23 hanggang 24 na gaganapin sa Atrium Limketkai, Lapasan sa Cagayan de Oro City.

Ipatutupad sa team tatluhan tournament ang seven rounds Swiss na may 15 minutes at 5 second increments kung saan ang winning team ay mag-uuwi ng  P30,000 plus trophy habang nakalaan naman sa individual rapid champion ang P6,000 plus medal.

“I hope to do well in this event (2nd RB Potot Memorial Team Tatluhan and Individual Chess Tournament),” sabi ni Rocamora, isa sa leading players ng Tanjay, Negros Oriental.

Nakilala si Rocamora matapos niyang talunin si Grandmaster Mark Paragua sa  simultaneous exhibition sa Dipolog City noong 2000.

Tinalo rin niya  sina National Master Ernesto Absin at National Master Levi Mercado sa isang Open chess tournament sa Ozamis City ng nasabing taon.

Binigyan  din niya  ng magandang laban si 13-time National Open Champion Grandmaster Rogelio “Joey” Antonio Jr. sa isa pang  simultaneous exhibition na ginanap sa Lamberto Macias Sport Complex sa Dumaguete City, Negros Oriental nitong Abril 16 na side event ng Negros Open Chess Championship na tinampukang 2022 GM Rosendo Carreon Balinas Jr. Tournament.

“It’s an honor to  play with GM (Rogelio) Joey Antonio,” ani Rocamora na nagtala ng 4.5 points sa eight outings sa Negros Open Chess Championship sa tinampukang 2022 GM Rosendo Carreon Balinas Jr. Tournament nitong Abril 17. -Marlon Bernardino-

About Marlon Bernardino

Check Also

Shaunna Polley Olivia Macdonald Volleyball World Beach Pro Tour Futures Nuvali

Kiwis, kampeon muli sa BPT Futures Nuvali para sa ikalawang sunod na gintong medalya

NAKAMIT nina Shaunna Polley at Olivia Macdonald ng New Zealand ang kanilang ikalawang titulo sa …

Alyana Nicolas pole vault ICTSI Philippine Athletics Championships

Nicolas, matagumpay na naipanalo muli ang women’s pole vault title sa ICTSI PH meet

CAPAS, Tarlac – Muling pinatunayan ng Fil-Am na si Alyana Nicolas ang kanyang pagiging nangungunang …

Pia Cayetano Padel Pilipinas

Pia Cayetano nais palaguin ang Padel sa buong bansa

TULOY-TULOY ang suporta ni Senador Pia Cayetano para sa mga national coach at atleta ng …

Florentino Inumerable

Florentino Inumerable, kampeon sa 2025 Illinois Senior State Chess Championships

HINDI lang nagwagi kundi kampeon ang beterano at United States chess master na si Florentino …

Darell Johnson Bada Yukiho Okuma NTT Asia Triathlon Cup sa Subic

Nangibabaw sina Bada ng PH at Okuma ng Japan sa elite junior sa Subic International Triathlon

OLONGAPO City, Zambales – Nakopo ng Pinoy na si Darell Johnson Bada ang kampeonato sa …