Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
McCoy de Leon Elisse Joson McLisse

McCoy kinarir ang pagpapabuti ng kanilang buhay ni Elisse 

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

KILALA namin ng personal si McCoy de Leon. Alam namin ang kabutihan ng kanyang puso at alam namin kung gaano ka-importante sa kanya ang pamilya.

Kaya hindi na kami nagtaka nang sabihin ni Elisse Joson ang pagkarir ng aktor sa kung ano-ano ang pwedeng gawin para mas mapabuti pa ang kanilang buhay lalo’t may anak na sila, si Baby Felize.

Binata pa lang s McCoy ay masinop na ito kaya hindi nakapagtatakang nakapagpundar na ito ng dalawang building mula sa mga kinita niya simula pa noong magsimula siya sa showbiz.

At ngayong may sarili na siyang pamilya, mas lalo pang naging masipag ang aktor sa pagtatrabaho.

“‘Yan ang ikinai-stress ni McCoy. Laging kailangan mag-isip ng ibang mga gagawin para for safety din namin as a family,” pagbubukinh ni Elisse.

Dapat mayroon kaming back-up plan. Palagi naming pinag-uusapan ang investments, starting a business,” sabi pa ni Elisse.

“‘Yung current business, dadagdagan, kasi nga alam namin, even if we are both actors at nandito kami sa showbiz industry, hindi naman laging magkakaroon ng opportunities.

“So, habang may time na wala, at least, we have something to do. ‘Yun nga, ang business namin, jewelry and investments sa properties,” aniya pa.

Sinabi naman ni McCoy na bukod sa nga naipundar nilang mga ari-arian at negosyo ni Elisse, ang pinakamahalaga sa lahat ay pagmamahal, pagpapahalaga, at pagtanaw ng utang na loob sa kanilang pamilya at mga tagasuporta.

“Lagi kong sinasabi, ‘yung mga natutunan namin mula sa mga magulang namin. Ngayon, nag-iipon kami at lalo ngayong pandemic, ‘yung mga natutunan namin sa parents namin, ina-apply namin.

“Awa ng Diyos, sobrang nakatutuwa. Thankful kami, like ito, mayroon po kaming trabaho. Mayroon pa ring mga naniniwala sa amin, fans namin na nandiyan din para sa amin at sa mga pamilya namin.

“‘Yung mga bagay na ‘yun, for us, investments din. Nakatutuwang isipin na mayroon kaming ganoon. Ang money, mawawala ‘yan, pero hangga’t maaari, kung kaya na makapag-ipon, nag-iipon,” sabi ni McCoy.

Samantala, matapos ang halos tatlong taon, magsasama muli sina McCoy at  Elisse sa isang pelikulang tiyak na pupukaw ng inyong mga damdamin, ito ang Habangbuhay ng Viva Films na mapapanood sa Vivamax simula April 22.

Si Elisse si Bea na dahil sa sakit na Common Variable Immune Deficiency (CVID), mababa ang proteksiyon ng katawan laban sa iba’t ibang impeksyon, kaya naging taong-bahay na lamang.

Si McCoy naman si JR, ang houseboy ng kanilang pamilya.  Noong bata pa lang ito ay kinupkop na siya ng yaya ni Bea nang makitang palaboy-laboy sa lansangan na parang wala sa sarili.  Lumaking seryoso si JR.

Ang Habangbuhay ay idinirehe ng award-winning filmmaker na si Real Florido na nanalong Best Director sa London Film Awards at nagwagi ng Best Feature Film sa Canada International Film Festival para sa pelikulang 1st Ko Si 3rd.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Andrew E

Andrew E dagsa ang fans, mamamahagi ng collectibles

HARD TALKni Pilar Mateo MAILALARAWAN ang master rapper of this era, Andrew E. bilang livin’ …

Encantadia Chronicles Sanggre

Encantadiks tuloy-tuloy ang panalo

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG lakas ng Encantadia Chronicles: Sang’gre sa primetime. Base sa overnight NUTAM People …