Monday , November 18 2024
Marissa Sanchez Ping Lacson Tito Sotto

Marissa Sanchez ipinagdasal si Ping Lacson

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

IKINAGULAT ng netizens ang paglantad ni Marissa Sanchez ukol sa sinusuportahan niyang pangulo sa darating na eleksiyon. Inihayag ng singer/aktres ang buong suporta niya kay Ping Lacson na tumatakbong pangulo kasama si Tito Sotto bilang ikalawang pangulo sa darating na halalan sa Mayo. 

Sa isang campain rally kamakailan ng Ping-Tito tandem, biglang inihayag ni Marissa ang suporta niya kay Lacson. Ipinaliwanag niya ang ukol sa kanyang posts sa Instagram.

Ani Marissa, maprinsipyo siyang tao at tinanggihan niya ang ibang grupo ng kandidato na kumukuha sa kanya na magtanghal at mag-host sa rally. 

Katunayan, pumayag lang siyang mag-host at kumanta sa Lacson-Sotto rally dahil bet niyang VP si Tito Sen at hindi niya mahihindian. Pero malinaw  ang usapan nila ng kumontak sa kanya na si Tito Sen lang ang susuportahan niya sa rally at quiet lang siya pagdating kay Lacson.

Isa pang katunayan, cap na may pangalan lang ni Tito Sen ang suot ni Marissa dahil nang dumating siya sa rally at umakyat sa entablado, wala pa siyang napipisil na kandidatong presidente na susuportahan.

Pero tila may humaplos yata sa singer-actress nang sandaling iyon. Dahil bigla niyang sinabi na nakapagdesisyon na siya na si Lacson lang ang may kakayahan na maging lider ng bansa.

That night, I can’t help but be mesmerized by Sen. Lacson’s gestures, the way he stand, sit, talk, walk, move and so on…,” kuwento niya sa post sa Instagram.

Nanumbalik sa alaala ni Marissa ang mga nangyari noon tulad ng hindi pagsuporta ni Lacson sa impeachment ni dating President Erap Estrada, mga kontrobersiyang kinasangkutan ng senador noong pulis pa, hanggang sa paglaban ni Lacson sa katiwalian at hindi pagtanggap ng pork barrel funds.

For some magical, unexplainable moment, I was blown away by my emotions recalling that when I was younger I supported Sen. Lacson for President many-many years ago. I believe in his slogan ‘Kamay na Bakal,’” lahad niya.

Suddenly I realized that it’s only Sen. Ping Lacson who’s just and fitted to run this country. I also realized how dirty politics is and that’s why Sen. Ping Lacson has fewer votes,” patuloy ni Marissa.

Alam ni Marissa na maraming magagalit at masasaktan sa mga sinasabi niya pero ang hiling niya sa mga tao– “it takes a lot of thinking to go back to your senses and rethink. There’s still time to rethink! Rethink!” 

At ang dalangin ni Marissa para kay Lacson, “Sana po manalo po kayo Mr President Ping Lacson.”

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

MTRCB Tara, Nood Tayo Lala Sotto

MTRCB, PCO, PIA, at OES nagkasundo sa pagsusulong ng Responsableng Panonood

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio ILULUNSAD ng ilunsad ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) …

Edu Manzano Shaina Magdayao Kim Atienza

Batas vs piracy paigtingin, Pinoy nahaharap sa matinding panganib (Edu, Kuya Kim, Shaina nagpahayag ng suporta)

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio MAS mataas ang mga cyberthreat na haharapin ng mga Filipino …

Tom Rodriguez

Tom walang issue ang pagkakaroon ng anak

HATAWANni Ed de Leon INAMIN na ni Tom Rodriguez na may anak na siyang lalaki na apat …

Ai Ai de las Alas Gerald Sibayan

Gerald pinakamabait sa naging asawa ni Ai Ai

HATAWANni Ed de Leon KUNG si Ai Ai delas Alas ay benggador, ang kailangan lang niyang gawin …

Robbie Jaworski Andres Muhlach

Robbie Jaworski pantapat ng ABS-CBN kay Andres Muhlach ng TV5

HATAWANni Ed de Leon UY pumasok pala sa ABS-CBN si Robbie Jaworski, anak nina Dudot Jaworski at Mikee Cojuangco na mukhang …