Saturday , January 10 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Leni Robredo Kim Chiu

Kim Chiu naiyak sa birthday message ni VP Leni

PABONGGAHAN
ni Glen P. Sibonga

HINDI makapaniwala si Kim Chiu at inaming naiyak siya sa natanggap na video greetings para sa kanyang 32nd birthday nitong April 19 mula kay Vice President Leni Robredo, na tumatakbong Pangulo sa darating na halalan sa Mayo.

Ibinahagi ni Kim sa kanyang Instagram ang video message ni VP Leni.

Kim, happy happy birthday! Magkasunod pala ang birthday natin. But I want to wish you a very happy birthday. I know you’re in a good place now. Follower mo ako sa YouTube channel mo. 

“Gusto ko lang kunin ang pagkakataon sabihin sa ‘yo how inspiring your life has been for many people including myself. Sinusubaybayan ko ‘yung journey mo at ikaw ang pinakamagandang example ng pag-defy ng lahat ng odds. At ‘yung kasikatan ay ginagamit para mag-influence ng iba sa kabutihan. So keep up the good work. Keep inspiring others. I wish you all the best. We wish all the luck in the world kasi you deserve it. Happy birthday!”pagbati ni VP Leni kay Kim.

Puno naman ng pasasalamat kay VP si Kim sa caption ng kanyang IG post. “OMG!!!!!! Literally I am crying right now! Nakakaiyak na ang isang tao na alam ko na maraming ginagawa araw-araw, doing everything for the people as a Vice President of our country and a soon to be PRESIDENT. Rally dito rally doon. Debate dito, debate doon. Motorcade, house to house. Personal duties as a mother at marami pang iba. Grabe saludo po ako sa inyo ma’am and watching this video made my heart melt. Salamat po for seeing me, for sending this video, napaka-personal po ng message ninyo. Maraming maraming salamat po. Truly made my birthday complete, didn’t expect this pero maraming salamat po,” ani Kim.

Sa pagpapatuloy ni Kim, sinabi niyang buo ang suporta niya kay VP Leni sa pagkandidato nito bilang Pangulo ng bansa. “Makakaasa po kayo kasama n’yo po ako sa laban na ito. Laban para sa isang gobyernong tapat, angat buhay ang lahat. Matagal na naming hinihiling at inaasam ang isang TAPAT na pamahalaan, na nakaupo para sa mga tao at hindi para sa sarili. I am here behind you alongside with all the Filipinos who are hungry for HONEST AND GOOD GOVERNANCE. I am looking forward for a better, brighter, kulay rosas na bukas para sa buong PILIPINAS with you as our PRESIDENT.”

Nagpaabot din ng maagang pagbati si Kim kay VP Leni para sa parating na kaarawan nito sa April 23.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Glen Sibonga

Check Also

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Bam Aquino Vico Sotto

Talent manager at online show host Noel Ferrer pinangalanan sina Bam, Vico bilang People of the Year 2025

HINIRANG ng talent manager at online show host na si Noel Ferrer sina Senador Bam Aquino at Pasig City …

Rave Victoria

Rave Victoria masaya sa suportang natanggap sa PBB Collab 2

RATED Rni Rommel Gonzales BINANSAGANG ”Optimistic Apo ng Tarlac” natapos na ang Pinoy Big Brother Celebrity …

Alden Richards

Alden  pang-international na bilang artista at producer

RATED Rni Rommel Gonzales KASAMA ang kanyang buong pamilya ay sa Amerika nagdiwang si Alden Richards ng …