Monday , January 12 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Thea Tolentino Graduation

Thea Tolentino gagradweyt na sa Hunyo

RATED R
ni Rommel Gonzales

DALAWANG buwan na lamang at maaabot na ni Thea Tolentino ang kanyang pangarap, ang makapagtapos sa kolehiyo.

Sa mga hindi nakaaalam, mula 2016 hanggang 2020 ay pinagsasabay ni Thea ang  showbiz career at ang pag-aaral sa Trinity University of Asia.

Tuloy pa rin sa pag-aaral si Thea kahit abala siya sa  mga GMA Afternoon Prime shows na Asawa Ko, Karibal Ko, at Haplos.

At matapos maantala, si Thea o Thea Loise Tolentino ay magmamartsa na sa June 25, 2022. Nagtapos si Thea sa kursong Business Administration major in Public Administration.

Isa pang milestone para sa mahusay na Kapuso actress ngayong taong ito ay ang pagkakasama niya sa upcoming romcom movie na Take Me To Banaue mula sa Carpe Diem Pictures, isang independent movie production na naka-base sa Amerika. 

Bukod dito, malapit na ring mapanood si Thea sa star-studded cast ng adventure series na  Lolong ng GMA na pagbibidahan ng Kapuso leading man na si Ruru Madrid kasama ang iBilib co-host na si Shaira Diaz at marami pang iba.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Andrew E

Andrew E dagsa ang fans, mamamahagi ng collectibles

HARD TALKni Pilar Mateo MAILALARAWAN ang master rapper of this era, Andrew E. bilang livin’ …

Encantadia Chronicles Sanggre

Encantadiks tuloy-tuloy ang panalo

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG lakas ng Encantadia Chronicles: Sang’gre sa primetime. Base sa overnight NUTAM People …