Sunday , December 22 2024
Alex Lacson BIR

‘Di pagbabayad ng mga Marcos ng P203-B estate tax, ‘di patas sa mga manggagawa

ANG pagkukumahog ng mga Filipino na makapaghain ng income tax return sa 18 Abril ay kabaliktaran sa pagtanggi ng pamilya Marcos na bayaran ang P203 bilyong estate tax.

“Such exercise of good citizenship contrasts with how the Marcoses violate tax laws and court decisions with impunity,” ayon kay senatorial aspirant Alex Lacson.

“Dapat isang magandang halimbawa ang pangulo bilang mahusay na nagbabayad ng buwis, at hindi modelo ng tax evader,” ayon sa abogado na tumatakbong senador sa ilalim ng Robredo-Pangilinan banner.

“Sasabihin ng isang small bakery owner, ‘bakit n’yo naman sisimutin ang kita ko at lalakihan ang assessment para lang makakolekta ng ilang libo meron namang bilyon-bilyong pisong dapat kolektahin?’’’ ayon kay Lacson.

“Tapos kapag hindi nakabayad, o may deficiency sa tax, napakabilis ng BIR maningil, samantala ang P203 bilyong estate tax ng mga Marcos, 23 taong hindi nasingil,” aniya.

Dagdag niya, paano mapasusunod ng isang pangulo ang simpleng manggagawa na tuparin ang pagbabayad ng buwis kung siya mismo ay ayaw magbayad?

“Habang ang mga tao ay pumipila at nagmamadaling mag-file ng ITR, makikita nila itong pamilyang Marcos na nagmamatigas at ayaw bayaran ang P203 estate taxes,” himutok ni Lacson.

Inilipat ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ang deadline sa paghahain at pagbabayad ng 2021 income tax return sa 18 Abril dahil pumatak bilang holiday ang tradisyonal na 15 Abril.

“Paano makokombinsi ng pamahalaan ang mamamayan na magbayad ng tamang buwis at maghain ng tax returns kung ang kanilang lider ay nahatulan bilang tax evader,” giit ni Lacson.

Itinakda ng BIR na makakolekta ng P2.43 trilyon sa taong ito, pinakamalaki sa overall revenue target na P3.30 trilyon.

Ngunit, hindi sapat ang halaga upang pondohan ang P4.95 trilyong aktuwal na gastusin para sa 2022, kaya magkakaroon ng deficit o kakulangan ng P1.65 trilyon na pupunan sa pamamagitan ng pag-utang.

Tinayang madodoble ang kasakuluyang national debt sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Duterte mula sa 2016 level na P6.09 trilyon tungo sa P13.41 trilyon sa Disyembre.

“Para hindi lumobo ang utang natin, kailangan maging ehemplo ang pangulo ng tamang pagbabayad ng buwis,” ayon kay  Lacson. (JAJA GARCIA)

About Jaja Garcia

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …