Monday , November 18 2024
Shanti Dope

Shanti Dope excited matuto at magbahagi ng kaalaman sa Top Class

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

SOBRANG honored and excited na mapabilang sa mga mentor sa Top Class.” Ito ang tinuran ni Shanti Dope nang makausap namin matapos siyang ipakilala bilang rap mentor ng Top Class:The Rise to P-Pop Stardomkasama ni KZ Tandingan na vocal mentor naman.

Ang Top Class: The Rise to P-Pop Stardom ay handog ng Kumu, TV5, at Cornerstone Entertainment. Ang host ng show na ito ay si Miss Universe 2018 Catriona Gray. 

Sinabi ni Shanti na first time niyang magiging mentor sa mga nagnanais matuto ng pagkanta o pagra-rap. “Siyempre po sobrang honored and excited ako na mapabilang sa mga mentor sa top Class. First time ko rin kasi na maging isang judge sa isang show kaya oara sa akin, isang panibagong achievement ang na-unlock ko sa career ko rito,” masayang pagbabahagi ng magaling na rapper.

Aminado naman si Shanti na isa pa rin siyang estudyante dahil tiyak na may mga matututunan din siya sa mga ime-mentor nila. “Ako po mismo ay isa pa ring estudyante ng hiphop/rap music at ng music industry as a whole. I believe na marami rin po akong maise-share na mga makabagong technique, perspective, at approach pagdating sa coaching, mentoring at sa pagja-judge.”

Kaya nang matanong namin kung paano niya paghahandaan ang bagong iniatang na responsibilidad sa kanya ng Cornerstone, sinabi nitong, “Sa ngayon nanonood ako ng mga talent show at contests online para ma-refresh ang knowledge ko sa kalakaran ng kung paano maging effective na judge/mentor. Kung paano maideliver nang mas maige ang gusto kong sabihin at mai-describe ko nang klaro ang gusto kong i-express.”

Sinabi pa ni Shanti na iniiwasan na rin niya ang pagpupuyat bilang paghahanda sa Top Class. “

Ang Top Class: The Rise to P-Pop Stardom ang biggest at newest P-Pop reality talent search competition sa bansa. Ang mga masusuwerteng makapapasa sa audition ay magkakaroon ng pagkakataong makasama si Shanti Dope para magkaroon ng great learning sa itinuturing na isa sa magagaling na rapper ng bansa.

Tuloy pa rin ang auditions para sa Top Class hanggang Abril 20, 2022 kaya naman may dalawang linggo pa ang mga interesado na sumali para maging isa sa susunod na P-Pop icons. Para sa editio na ito, tatanggap lamang ng lalaki sa Top Class na may edad 16-26. Ang full audition mechanics ay makikita sa social media pages ng Top Class at makikita nila ang ma kailangan nilang gawin sa Top Class Kumu Channel.

Kaya ‘wag palampasin ang exciting na competition na ito ngayong 2022 na mula sa Kumu, TV5, at iba pang digital platforms. 

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

MTRCB Tara, Nood Tayo Lala Sotto

MTRCB, PCO, PIA, at OES nagkasundo sa pagsusulong ng Responsableng Panonood

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio ILULUNSAD ng ilunsad ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) …

Edu Manzano Shaina Magdayao Kim Atienza

Batas vs piracy paigtingin, Pinoy nahaharap sa matinding panganib (Edu, Kuya Kim, Shaina nagpahayag ng suporta)

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio MAS mataas ang mga cyberthreat na haharapin ng mga Filipino …

Miss Universe crown

Crown sa Miss Universe gawa ng Pinoy

I-FLEXni Jun Nardo KAHIT hindi manalo bilang Miss Universe ang pambato ng bansa na si Chelsea Manalo, panalo …

Roderick Paulate Mga Batang Riles

Roderick balik-GMA, ABS-CBN masikip na sa 2 Rhoda

I-FLEXni Jun Nardo NATUWA naman kami nang makita si Roderick Paulate sa trailer ng coming GMA series na Mga Batang …

Tom Rodriguez

Tom walang issue ang pagkakaroon ng anak

HATAWANni Ed de Leon INAMIN na ni Tom Rodriguez na may anak na siyang lalaki na apat …