Monday , April 14 2025

Para sa mga kaalyadong kandidato
PTV-4 GAMIT NI DUTERTE SA KAMPANYA

041122 Hataw Frontpage

ni Rose Novenario

MISMONG si Pangulong Rodrigo Duterte ang sumuway sa sariling direktiba na huwag mangampanya para sa mga kandidato sa 2022 national elections.

Isinahimpapawid ng magkasunod na gabi, Sabado at Linggo, sa state-run People’s Television Network Inc. (PTNI) programang The President’s Chatroom na nagsilbing anchor si Pangulong Duterte na nag-interview sa kanyang mga ineendosong senatorial candidates.

Sa unang episode ng programa, panauhin ni Pangulong Duterte ang senatorial bets na sina dating Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) chairman Greco Belgica at House Deputy Speaker Rodante Marcoleta.

Kagabi nama’y sina senatorial candidates Robin Padilla at Harry Roque ang nakapanayam ni Duterte.

Ang ginawang pangangampanya ni Duterte para sa kanyang mga manok ay taliwas sa kanyang pahayag noong 5 Abril 2022 na inutusan niya ang mga miyembro ng kanyang gabinete na huwag mangampanya para sa mga kandidato.

“The government, at least the Armed Forces pati ang P — police, pati kami sa gobyerno, we are not allowed to campaign. Well, of course, iyong mga Cabinet members, they can. But just to make things equal, sinabi ko noong past two elections, mga Cabinet members, sabi ko lalo na ngayong paalis na tayo, huwag na tayong mag-campaign-campaign ng kandidato. We’ll just make the most out of the remaining days to wind up and sit back to tingnan natin ‘yung ating nagawa para sa bayan,” ayon sa Pangulo sa kanyang Talk to the People Address.

Ayaw umano ng Pangulo na maparatangang ginagamit niya ang resources ng gobyerno para isulong ang kandidatura ng kanyang mga kaalyado.

Ngunit sa The President’s Chatroom, ginamit niya ang pasilidad ng PTNI at ang airtime ng state-run television network na nagkakahalaga ng halos kalahating milyong piso ang isang season o  16 na episodes.

About Rose Novenario

Check Also

Alan Peter Cayetano

Cayetano sa mga SK leader  
Magtrabaho para sa tunay na pagbabago

HINIMOK ni Senador Alan Peter Cayetano noong Sabado ang mga chairperson ng Sangguniang Kabataan (SK) …

House Fire

3 sugatan sa sunog sa QC

TATLO katao ang iniulat na nasaktan sa sunog na sumiklab sa residential area sa Makabayan …

Road Maintenance

DPWH nag-abiso magkukumpuni ng mga kalsada ngayong Semana Santa

NAKATAKDANG magsagawa ng 24-oras trabaho sa loob ng limang araw ang mga tauhan ng Department …

Dead Road Accident

2 patay, 7 sugatan sa karambola ng 3 sasakyan

PATAY ang dalawa katao habang pito ang sugatan sa karambola ng tatlong sasakyan sa Commonwealth …

041425 Hataw Frontpage

2 grade 8 students dedo sa saksak ng 3 menor de edad

HATAW News Team DALAWANG Grade 8 students ang napaslang sa pananaksak ng tatlong estudyante rin, …