Sunday , December 22 2024
Monsour Del Rosario

Monsour Del Rosario kaisa sa Angat Buhay Lahat movement bilang bagong senador

ISANG buwan bago ang Pambansang Halalan sa Mayo 9, karamihan sa mga bontanteng Filipino ay nakapili na ng kanilang ibobotong pangulo at pangalawang pangulo. Batay sa huling survey ng Pulse Asia mula Marso 17 – 21, sina VP Leni Robredo at dating senador Kiko Pangilinan ay umabante na sa 24% at 15%. Ito ay nagpapatunay na bagamat nasa 3% pa rin ng mga botante, nananatiling “undecided” o hindi pa nakapagpasya, mas dumarami naman ang mga pumipili sa kandidatong may mahusay angtrack record at mahusay ang plataporma sa pamamahala.

Sa laban naman ng mga senador, garantisado ang 1Sambayan senatorial block na susuportahan, palalakasin, at ipatutupad nila ang mga layunin ng Leni-Kiko tandem para iangat ang buhay ng mga Filipino. Inihahain ng 1Sambayan ang kanilang alternatibong listahan kompara sa mga tradisyunal na politiko. Pinagsama ng 1Samabayan ang 11 senatorial aspirants na bagamat nagmula sa iba’t ibang pinagmulan at katayuan sa buhay ay may iisang hangarin na pag-isahin ang bansa.

Kasama sa senatorial slate ang kanilang pang-11 senatorial candidate na si Monsour Del Rosario. Isang magiting na kakampi at tagapagtanggol ng ordinaryong Filipino, nagsilbi sa publiko si Del Rosario sa loob ng 6 na taon bilang isang natatanging konsehal, at 3 taon bilang isang masipag na kongresista ng 1st District ng Makati City. Kilala bilang “Ama ng Work From Home Law” at may-akda/sponsor ng mahigit 292 panukalang batas sa kongreso, layunin ni Del Rosario na ipagpatuloy ang kanyang mabuting gawain sa senado upang matulungan ang mga health frontliner ng bansa, mga atleta, mga batang may iba’t ibang kakayahan sa pag-aaral, magsasaka, at mangingisda, at iba pang marginalized na sektor ng lipunan.

Noong Biyernes, Abril 8, pormal na inendoso ng 1Sambayan si Del Rosario bilang kaalyado ng Gobyernong Tapat. “Dapat tayo ay magsama-sama at magkaisa para sa ating kinabukasan. Sa darating na eleskyon, ‘wag po natin kalilimutan na mayroon din po tayong 12 na senador. We have to choose wisely sa mga senador na bibigyan natin ng six years para tulungan si VP Leni. We have to be discerning. Binibigyan po kayo ng 1Sambayan ng magandang alternatibo at kasama po rito pang-11 sa aming listahan, isang taong tunay na nagtatrabaho at nagse-serbisyo sa tao, si Monsour Del Rosario,” sabi  ni 1Sambayan convenor Atty. Howard Calleja.

Para naman kay Del Rosario, ang kanyang napipintong pag-upo sa senado ay hindi lamang tagumpay para sa sarili at sa hangarin ng 1Sambayan na maghatid ng gobyernong tapat, kundi tagumpay para sa kinabukasan ng maraming Filipino. 

“When I was competing in taekwondo years ago, I was very proud to bear the flag of our country. That still means the same to me today. Just as I fought for the country in sports, I will be as fervent and dedicated in this fight for a seat in the senate not for myself, but for the future of our countrymen. I reiterate my support for our future president Leni Robredo and the Angat Buhay Lahat movement because the Philippines needs a leader that cares for the youth, cares for this country, and cares for the future of our people. We have to choose the right leader. If we don’t choose the right leader, our problems will never be solved and will only worsen. If we don’t choose the right leader, our people will only continue to suffer. Kaya piliin natin ang gobyernong tapat dahil dito aangat ang buhay ng lahat,” wika ni Del Rosario.

About hataw tabloid

Check Also

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

Atong Ang Sunshine Cruz.

Atong Ang inamin relasyon kay Sunshine

INAMIN ng negosyanteng si Atong Ang na may relasyon sila ng aktres na si Sunshine …

Bong Revilla Jr Boss Toyo Beauty Gonzalez Walang Matigas Na Pulis sa Matinik Na Misis

Sen Bong walang nakikitang mali sa mga lalaking takot sa kanilang misis 

MATABILni John Fontanilla MATALINO, mapagmahal, may puso. Ito ang paglalarawan ni Senador Bong Revilla sa …

Vilma Santos

Vilma pumalag ginagamit ng isang pekeng gamot online

HATAWANni Ed de Leon GUMAWA na po ng statement ang Star For All Seasons na …