Saturday , November 16 2024

MarSo sa Mayo 2022

AKSYON AGAD
ni Almar Danguilan

HA! Paano magiging MarSo ang Mayo? 

Ang Labo ba mga suki? Linawin natin pero sa tingin ko ay alam n’yo na ang ibig nating sabihin ng “MarSo” sa Mayo. Gets n’yo na ba o hindi pa?

Anyway, hindi naman siguro lingid sa inyong kaalaman na usong-uso na ang “combo meals” – sa food chains maging sa karinderya. Sa combo meals hindi lang makatitipid ang kustomer kung hindi panalong-panalo siya dahil ang inihandang combo meals para sa kanilang tamang panglasa dahil nga sa ito ay “perfect combination.”

Tama! Perfect combination tulad ng umuugong sa social media — isang perfect combination para sa halalan sa Mayo 2022 na ineendoso ng maraming grupo mula sa iba’t bang sektor.

Matunog ngayon sa social media na combo panalo ay ang “MarSo.” Gets niyo naman na siguro na ito ay kombinasyon nina Marcos at  Sotto.

Si Marcos ang nangungunang presidential candidate na si Bongbong Marcos “BBM” at si Sotto naman ay ang tumatakbong vice president na si Senate President Tito Sotto.

Si SP Sotto ay pumapangalawa sa lahat ng mga survey kay Davao City Mayor Inday Sara Duterte na siyang opisyal na tandem ni BBM.

Naniniwala ang MarSo na sa kanilang paglutang ay posibleng sumirit pa paitaas ang puwesto nito hanggang sa Mayo 9.

Ang tambalang MarSo ay may kasamang mga slogan pa na nagsasabing “Sa MarSo, MaSa Panalo.”

Katunayan, viral ngayon sa social media ang tambalang MarSo ni UniTeam presidential candidate Ferdinand “Bong Bong” Marcos, Jr., at vice presidential candidate Vicente Sotto lll.

Bukod dito, nagpahayag na rin ng suporta ang mga lider sektoral sa MarSo at lantarang naglalagay ng poster at nagsusuot ng MarSo t-shirt.

Bagamat si Sotto, mula sa partido ng Nationalist People’s Coalition (NPC) at kasalukuyang kaalyado ni presidential candidate Panfilo ‘Ping’ Lacson (Partido Reporma), hindi na rin maikakaila na marami na ang nagsusulong ng Marcos-Sotto at ito ay suportado ng mayoryang miyembro ng NPC.

Dahil rin sa nakitang combo panalo ang MarSo, patuloy na lumolobo ang suporta para sa kombinasyon ng dalawang kandidato mula sa hanay ng multi-sectoral groups maging sa religious groups.

Si SP Sotto ay kilala sa tawag na “Tito Sen.” Siya ay naging pangulo ng Senado mula 2018 hanggang kasalukuyan, sikat na TV personality ng maalamat na programang “Eat Bulaga” kasama ang kapatid na si Bossing Vic Sotto at sanggang-dikit na si Joey de Leon.

Matapos ang 2016 Elections, ikaapat na termino nang nagsilbi si Sotto bilang senador habang dalawang sunod na termino mula 1992 hanggang 2004.

Bago naging senador, unang nagsilbi si Sotto bilang bise-alkalde ng Lungsod ng Quezon mula 1988 hanggang 1992.

Kasama rin ni Sotto sa partido NPC ang mga senatorial candidates na sina JV Ejercito, Win Gatchalian, Manny Piñol, Chiz Escudero, at Loren Legarda. 

Kahit anong pukol ng hindi masikmurang paninira sa kampo ng UniTeam, hindi pa rin natitinag si BBM para manguna sa puwesto sa itaas ng Pulse Asia, SWS, Octa Research at marami pang poll surveys bilang frontrunner para ihalal na bagong pangulo ng bansa pagsapit ng Mayo 9, 2022.

O paano mga suki, kuha n’yo na ang MarSo para sa Mayo 9, 2022. Tulad ng mga combo meals, ang MarSo “Marcos-Sotto” ang nakikitang perfect combo para sa bayan.

About Almar Danguilan

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …