Sunday , December 22 2024
MNL48 No Way Man

MNL48, ‘di patitinag sa 7th single na No Way Man

NAGBABALIK ang MNL48 para ibida ang 7th single nilang No Way Man, isang dance-centric na kantang may mensahe ng lakas ng loob sa harap ng mga pagsubok.

Pinangungunahan ng center girl na si MNL48 Abby ang No Way Man kasama ang Senbatsu members na sina Sheki, Jamie, Ruth, Ella, Jan, Andi, Jem, Yzabel, Princess, Lara, Coleen, Rianna, Lyza, Dana, at Dian. Pinakahihintay na pagbabalik ng grupo ang awitin dahil na rin sa paghihigpit dala ng COVID-19 pandemic.

 Ayon kay MNL48 coach Angel, “unforgettable” ang kanta hindi lang dahil sa mahirap nitong choreography kundi dahil na rin sa pinagdaanan ng grupo habang naghahanda para rito.

“Isang taon kaming nag-train tapos nahirapan silang mag-catch up kasi online lang lahat. Ang dami nilang na-experience at ‘yung lyrics ng kanta talagang swak sa mga pinagdaanan namin,” ani Angel.

Pinuri naman ng center girl na si MNL48 Abby ang mga miyembro ng grupo at kanilang MNLoves sa pagbibigay-inspirasyon sa kanya.

“Nakita ko talaga na bawat member ibinigay ‘yung best nila para sa quality comeback. Noong una nagduda ako kung kaya ko ba pero lagi kong iniisip na mayroon akong good support system sa sisters, co-members, at sa MNL48 fans na laging naniniwala sa akin,” sambit ni Abby.

Samantala, nagpapakita naman ng growth ng grupo ang No Way Man ayon sa rank 2 na si MNL48 Sheki. “Ipinakikita sa single ‘yung talent namin sa ibang genre ng pagsasayaw pati na ‘yung vocals namin at saka ‘yung character ng bawat member. Ang ganda ng meaning ng song, talagang nire-reflect ‘yung buhay namin as MNL48 idols.”

Napapanood na ang music video ng No Way Man sa MNL48 YouTube channel, na nagbibida sa mahusay na choreography sa rooftop at sa nakabibilib na sets. Sa ngayon, mayroon na itong 395,000 views. Huling nag-release ng single na River ang MNL48 noong 2020.

Dapat ding abangan ng fans ng MNL48 na MNLoves ang paglalabas ng music card na may mini photobook at handshake ticket sa mga sususnod na araw.

About hataw tabloid

Check Also

Joel Cruz P25-M 25th anniversay Aficionado 

Joel Cruz mamimigay ng P25-M sa 25th anniversay ng Aficionado 

MATABILni John Fontanilla MAMAMAHAGI ng P25-M ang tinaguriang Lord Of Scents na si Joel Cruz …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

MMFF50

Sampung pelikula para sa MMFF50, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ILANG araw bago ang Kapaskuhan, inilabas na ng Movie and …

MMFF 2024 MTRCB

Mga pelikula sa MMFF, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

INILABAS na ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang angkop na klasipikasyon …