Monday , December 23 2024
Leni Robredo

Tulong serbisyo sa OFWs ilalapit ni Robredo

WALANG mahabang pila sa paglalakad ng requirements kapag presidente na si Vice President Leni Robredo, hindi na dapat pang magtungo sa Metro Manila ang kahit sinong overseas Filipino workers (OFWs) para magproseso ng travel documents at magsumite ng requirements.

Ayon kay dating Congressman Teddy Baguilat, tumatakbong senador sa ilalim ng Robredo-Pangilinan tandem, alam ni VP Leni kung ano ang hirap na pinagdaraanan ng OFWs para maisaayos ang kanilang papeles sa pangingibang bansa.

Naunang ipinangako ng bise presidente na magtayo ng “migrant workers’ office” sa bawat lalawigan upang mailapit ang bagong itinayong Department of Migrant Workers (DMW) sa mamamayan.

“Kaya sapol na sapol niya noong nakaraang debate ang hinaing ng OFWs at ng kanilang mga pamilya,” ayon kay Baguilat. “Kung tunay ngang mga bayani ang ating OFWs, dapat bayani rin ang turing natin sa kanila,” dagdag niya.

Kapag maitayo, isasailalim sa bagong DMW ang pitong ahensiya ng pamahalaan na nakakalat at nakakabit sa ilang line departments tulad ng POEA, OWWA, Office of the Undersecretary for Migrant Workers’ Affairs (OUMWA) sa ilalim ng DFA, at Philippine Overseas Labor Office, National Reintegration Center for OFWs, at National Maritime Polytechnic, na pinamamahalaan ng DOLE.

“Kapag naging pangulo si VP Leni, hindi na kailangang pumunta sa POEA (sa NCR) o regional office para asikasuhin ang mga dokumento. Hindi na luluwas ang pamilya mo sa Maynila para humingi ng tulong kapag may nangyari sa iyo sa ibang bansa,” ayon kay Baguilat.

“Lahat ito ay magagawa mo na o ng iyong pamilya nang hindi na lumalabas sa sarili mong lalawigan. Wala nang mahabang biyahe, wala nang mahal na pasahe, at wala nang paghahanap ng matutuluyan,” aniya.

Ayon kay Baguilat, nabuo ni Robredo ang panukala dahil likas sa kanya na kailangang tugunan ang lahat ng isyu hinggil sa mamamayan.

“Karanasan ni VP Leni ang umiiral sa mahabang panahon na tumutulong siya sa mga nasa laylayan, handa siyang makinig at tunay na alamin ang mga problema ng mga mamamayan, lalo na ‘yung mga sektor tulad ng ating OFWs,” dagdag ng dating kongresista.

“Kasama sa panukala niya ang pangangailangan hindi lamang ng OFWs kundi ng mga pamilya rin nila,” ayon kay Baguilat, saka idinagdag na naiintindian ni Robredo ang paghihirap na kinahaharap ng mga OFW at nararamdaman ng kani-kanilang pamilya. (GINA GARCIA)

About Jaja Garcia

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …