Saturday , November 16 2024

Nagtitiwala kay Eleazar para maging Senador, patuloy na dumarami

AKSYON AGAD
ni Almar Danguilan

PASOK na sa top 12 senatorial bets sa pinakahuling survey si dating PNP Chief General Guillermo Tolentino Eleazar, para sa nalalapit na eleksiyon na gaganapin sa 9 Mayo 2022.

Ang dahilan ng pagtaas sa survey ni Eleazar ay dahil sa dumarami ang naniniwala sa kanya kaya hindi na rin mapigilan ang pag-arangkada ng mga nagpapahayag ng kanilang buong suporta sa magiging ‘SIGA’ (SIPAG at GALING) sa Senado.

Naniniwala ang nakararaming Pinoy kay Eleazar dahil malaki ang kanilang tiwala sa Heneral na magiging kakampi nila sa Senado tulad ng ipinadama ni Eleazar sa bayan noong aktibo pa siya sa serbisyo bilang isang matinong opisyal ng PNP. ‘Ika ni Eleazar e, “Laban n’yo, Laban ko.”

Nasaksihan naman natin kung paano niya ipaglaban ang mga tinatarantado ng mga pulis noon. Kung paano niya kinasuhan at pinagsisibak sa puwesto ang mga pulis na umaagrabyado sa mga mamamayan lalo na iyong mga walang kalaban-laban.

Nasaksihan din natin ang kanyang kampanya laban sa kriminalidad at ilegal na droga. Ang lahat ay naging matagumpay…at sa mga tagumpay na nakamit ni Eleazar ay hindi niya kinakalimutan pasalamatan ang mga pulis na naging katuwang niya sa kampanya maging ang mga sibilyan na nakikipag-coordinate sa pulisya.

‘Ika nga niya, hindi magiging matagumpay ang lahat kung hindi sa tulong ng pulisya at sibilyan o mamamayan.

Tulad ng mga naunang nagpahayag ng suporta kay Eleazar mula sa iba’t ibang sektor, kamakailan ay nagpahayag ng kanilang suporta sa dating PNP Chief ang grupo ng US based Filipino doctors. Tiniyak nila ang pagpapaupo nila kay Eleazar sa Senado. Nakita ng grupo kung paano sinusuportahan ni Eleazar ang medical practitioners ngayong panahon ng pandemya bukod sa mga isusulong niyang para sa kapakanan ng healthcare workers na nagbuwis ng buhay sa pakikipaglaban sa CoVid-19.

Hindi naman lingid sa ating kaalaman ang malaking pagkukulang ng kasalukuyang gobyerno sa health workers natin. Isa rito ang kanilang hazard pay na kung hindi pa nagreklamo sa media ay hindi nila ito makukuha. katunayan, hanggang ngayon ay marami pa ang hindi nakakukuha nito.

At heto nga, talagang hindi na mapipigilan ang pag-arangkada ng pagtitiwala ng marami kay Eleazar. Ang tatlong pinakamalaking transport group sa bansa ay nagpahayag ng kanilang suporta kay Eleazar.

Ito ay dahil sa mga nasaksihan at naranasan nilang pakikipaglaban ng heneral sa ‘kotong cops’ at pagsusulong ng kapakanan ng mga nasa sektor ng transportasyon sa gitna ng CoVid-19 pandemic.

Ang tatlong grupo ay ang Pangkahalatang Sanggunian Manila at Suburbs Drivers Association (Pasang-Masda), Alliance of Transport Operators and Drivers Association of the Philippines (ALTODAP), at Alliance of Concerned Transport Organizations (ACTO).

Ang tatlong grupo ay may mahigit kalahating milyong officers at miyembro.

“Over the years, the Pangkahalatang Sanggunian Manila at Suburbs Drivers Association (Pasang-Masda), the Alliance of Transport Operators and Drivers Association of the Philippines (ALTODAP), and the Alliance of Concerned Transport Organizations (ACTO) have always been united in voicing out the concerns and in fighting for the rights and welfare of all drivers and operators of public utility vehicles across the country. We intend to uphold this unity and show our force in the coming May 9, 2022 elections,” anang grupo sa inilabas nilang kalatas.

Inilarawan ng mga grupo si General Eleazar bilang kinatawan ng nais nilang public servant — “tough but fair, approachable but firm in his principle of fighting for what is just and right, a man with honor and integrity, and a man who believes in consultative leadership.”

Inalala ng mga grupo ang mga ginawang pagtitiyak ni Eleazar na naririnig ang kanilang hinaing laban sa mga abusadong pulis at traffic enforcer, pati ang mabilis niyang pagtugon, noong siya pa’y direktor ng Quezon City Police District (QCPD) hanggang naging PNP chief.

Nagsilbi rin si Eleazar bilang adviser ng transport groups noong siya’y commander ng Joint Task Force COVID Shield, at doo’y ginamit ang kakayahan para sa makatuwirang pagpapatupad ng lockdown kaya’t nabigyan sila ng pagkakataong makapaghanapbuhay kahit may pandemya.

Nitong mga nakaraang buwan ay ipinanawagan ni Eleazar ang pagbibigay ng “ayuda” o fuel subsidy at pansamantalang suspensiyon ng excise tax para maibsan ang mga epekto ng pandemya at oil price hikes sa mga driver at operator ng pampublikong sasakyan.

“Based on our consultations and our assessments of the candidates for the May 9, 2022 elections, we believe that General Eleazar has the qualifications, the track record and the moral ascendancy to fight for the interest of those in the public transport sector,” sabi ng transport groups.

Siyempre, kasabay naman nito ay nagpasalamat si Eleazar sa PASANG-MASDA, ALTODAP, at ACTO sa pagtitiwala sa kanyang kakayahang magpasa ng mga batas na magpapabuti sa kalagayan ng mga ordinaryong Filipino, kabilang ang mga driver at operator.

Heto naman ang masasabi ko mga kababayan, hindi-hindi kayo bibiguin ni Eleazar. Maraming makapagsasabi at magpapatunay sa inyo niyan.

About Almar Danguilan

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …