Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Kazuto Ioka Roman Chocolatito Gonzalez

Ioka-Nietes title fight rematch  itinakda ng WBO

MADIDISKAREL muli ang matagal nang inaasahan ng boxing fans ang paghaharap nina Kazuto Ioka at Roman ‘Chocolatito’ Gonzales sa isang superfight.

Noong Biyernes ay nagbigay ng utos ang World Boxing Organization (WBO) kay four-division at kasalukuyang junior bantamweight champion  Ioka na harapin niya  sa susunod niyang  laban ang mandatory challenger at dating four-divison titleholder Donnie “Ahas” Nietes.

Ang dalawang panig ay binibigyan ng 30 days para makabuo ng usapan at maiwasan na rin ang ‘purse bid hearing.’

“Please be advised that the WBO World Championship Committee is hereby ordering the commencement of negotiations for the subject matter bout,” pahayag ni Luis Batista-Salas, chairman of the WBO Championship committee  sa kanyang liham na natanggap ng dalawang kampo. “The parties herein have thirty (30) days upon issuance of this letter to negotiate and reach an agreement accordingly.

“If an accord is not reached within the time frame set forth herein, purse bid proceedings will be called per WBO Regulations of World Championship Contests.”

Ang laban ay dapat na mangyari at magsisilbing rematch ng dalawang boxers sa kanilang naging unang laban noong New Year’s Eve 2018 vacant title fight na kung saan ay nanalo si Nietes via split decision na ginanap sa Macao, China.

Si Ioka ang kauna-unahang Japanese boxer na nanalo ng apat na titulo pagkaraang talunin niya si Palicte via 10th-round KO noong Nune 2019.

Apat na matagumpay na depensa ang sumunod na laban ni Ioka na puro mandatory fights.   Tinalo niya si top-ranked contenders Jyvier Cintron, Kosei Tanaka at Francisco ‘Chihuas’ Rodriguez Jr ayon sa pagkakasunod.    Ang huling tatlong labang iyon ay minando ng WBO.

Ang mandatory title status ni Nietes ay nananatiling isang malaking katanungan dahil ang 39-year-old Pinoy boxer ay dalawang beses lang umakyat sa ring pagkaraang talunin niya si Ioka.    Muli lang siyang lumaban pagkaraan ng 27 na buwang pamamahinga laban kay Pablo Carrillo noong Abril 3 sa Dubai.   Ang laban niya ay kauna-unahan pagkaraang pumirma siya ng kontrata sa D4G Promotions,  affiliated sa MTK promotional outfit na ipinasa naman siya sa Probellum.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

PH SEAG Football

Filipinas, Nakamit ang Unang Gintong Medalya sa SEAG Football

CHONBURI – Nadagdagan ng isang makasaysayang gintong medalya sa Southeast Asian Games ang listahan ng …

DLSU De La Salle UAAP

Green Archers, inangkin muli ang korona sa UAAP basketball

INANGKIN muli ng De La Salle University ang kampeonato sa UAAP men’s basketball matapos magwagi …

Kira Ellis Fernando Casares SEAG

PH completes sweep of 3 triathlon golds

RAYONG, Thailand – Nilinis ng koponan ng triathlon ng Pilipinas ang lahat ng tatlong gintong …

SM MoA Adidas FIFA

SM Mall of Asia Binuksan ang Kauna-unahang adidas Football Park sa Southeast Asia

PUMASOK ang SM Supermalls sa bagong yugto ng world-class sports destinations sa paglulunsad ng kauna-unahang …

PSC BCDA New Clark City

PSC at BCDA, pinagtibay ang makasaysayang pakikipagtulungan para sa training hub ng New Clark City

NEW CLARK CITY, TARLAC — Pormal na pinagtibay ng Philippine Sports Commission (PSC) noong Martes …