Saturday , January 31 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Edwin Gamas Ramon Mistica

Gamas kampeon  sa Mistica 10-ball championship

ITINALA ni Edwin Gamas ang First Maestro Mistica Custom Cues 10 Ball Open Tournament sa kanyang mahabang talaan ng mga tinamo niyang karangalan nang maghari siya  nitong Linggo sa prestihiyosong torneyo na  sumargo  sa Bowling and Billiards, Sta. Lucia Mall sa Cainta, Rizal.

Tinalo  ni Gamas si Bryant Saguiped (8-7), sa semi-final round at Franz de Leon (9-3),  sa finals para angkinin  ang top prize na  P40,000 kasama ang  Maestro Mistica Custom Cues at trophy sa 3-day (Abril 1 – 3, 2022) Games and Amusement Board (GAB) sanctioned tournament na suportado ng Ropa Commercial, LifeWave x39, Wilde Blue Chalk at ni actor Nino Muhlach.

Nagkasya naman si  De Leon  sa  runner-up prize P20,000 at trophy.

Sa semi-finals naungusan   ni Gamas si John Paul Ladao, 8-7, sa Round-of-16, at Albert Espinola, 8-5, sa quarter-final para makapuwersa ng titular showdown kay de Leon na tinibag naman sina John Rell Saguiped, 8-7, at Greg Dira, 8-6,  ayon sa pagkakasunod.

“I would like to dedicate my victory to my family, friends, to the organizer and sponsor of this First Maestro Mistica Custom Cues 10 Ball Open Tournament ,” sabi ni  Gamas.

Ang iba pang prominenteng manlalaro ng bilyar na sumargo  sa First Maestro Mistica Custom Cues 10 Ball Open Tournament ay sina Southeast Asian Games gold medallist Chezka Centeno, Japan Champion Roel Esquilo, Former Germany World Junior of Pool representative  Mark Aristotle Mendoza, Jack de Luna,  Bernie “Benok” Regalario at AJ Manas.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Alex Eala

Eala pinatalsik si Sakatsume, pasok sa quarters

SA KABILA ng makapal na benda sa kanyang kanang hita, nagpakita ng katatagan si Alex …

PVL Premier Volleyball League

Pagpapatuloy kaysa pagbabago: Tumaya ang mga koponan ng PVL sa chemistry

HABANG umikot ang karamihan sa usapan ng offseason ng Premier Volleyball League (PVL) sa mga …

KALARO Jun Lasco Darren Bautista

KALARO: Pagbuo ng Kinabukasan ng Sports sa Pamamagitan ng Isang Pinag-isang Digital Ecosystem

BAGO pa man naging isang Sports Super-App ang KALARO, ang kuwento nito ay nagsimula na …

Alex Eala

Eala winalis si Charaeva sa PH Women’s Open

SA inspirasyon ng home crowd at sa kabila ng pangamba sa posibleng injury, winalis ni …

NST-IAC BBM Pato Gregorio

National Sports Tourism Committee naglatag ng masigasig na estratehiya para sa paglago ng ekonomiya

MABILIS na umuusbong ang sports tourism bilang pinaka-dinamikong tagapaghatak ng pandaigdigang sports economy, at determinado …