Saturday , December 20 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Pistahan sa Mega 5-Cock Derby

Eliminasyon ng ‘Pistahan sa Mega 5-cock derby’ naikasa

KASADO na ang 2-cock eliminasyon sa iba-ibang lalawigan at lungsod sa labas ng Metro Manila sa pangungunga ng Batangas (Fred Katigbak), Bicol (Jhan Gloria), Zamboanga City (Manny Dalipe & Bobby Fernandez), Baguio/Benguet (Tonyboy Tabora), Pangasinan (Osmundo Lambino), Nueva Ecija (Roel Facundo) at Bulacan (Jaime Escoto & Nicholas dela Cruz).

Ang “Pistahan sa Mega 5-Cock Derby” ay gaganapin sa Roligon Mega Cockpit sa Parañaque City simula Abril 21 hanggang sa Mayo 23.

Handog ni Ka Lando Luzong & Friends at ng Thunderbird – the winning formula –bilang natatanging sponsor, P3 milyon ang garantisadong premyo ng “Pistahan” kung saan ang entry fee at minimum bet ay parehong P4,400 lamang. Nakalaan ang P1.7M championship prize.

Ang mga eliminasyon sa Roligon sa Abril 21, 25 at 28 gayundin sa Mayo 2, 5, 12, 16 at 19 ay may nakatayang P100,000 Day Champion Prize at 32’ TV set at Thunderbird Powervet products sa fastest winner sa ikalawang laban.

Nadagdag sa listahan ng mga siguradong kalahok sa  “Pistahan” sina Sherwin Aquino, Roman Empire 1 & 2; Ferdie Frigillana, JJ Rabena Tacla, Fairfax VA, Arnoll Danielle Manalo, Johnro Salazar RS Buhawi, Ronald Aquino, James Jamul, Teodoro Cortez, Atty. Rey Directo at iba pa.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

PH SEAG Football

Filipinas, Nakamit ang Unang Gintong Medalya sa SEAG Football

CHONBURI – Nadagdagan ng isang makasaysayang gintong medalya sa Southeast Asian Games ang listahan ng …

DLSU De La Salle UAAP

Green Archers, inangkin muli ang korona sa UAAP basketball

INANGKIN muli ng De La Salle University ang kampeonato sa UAAP men’s basketball matapos magwagi …

Kira Ellis Fernando Casares SEAG

PH completes sweep of 3 triathlon golds

RAYONG, Thailand – Nilinis ng koponan ng triathlon ng Pilipinas ang lahat ng tatlong gintong …

SM MoA Adidas FIFA

SM Mall of Asia Binuksan ang Kauna-unahang adidas Football Park sa Southeast Asia

PUMASOK ang SM Supermalls sa bagong yugto ng world-class sports destinations sa paglulunsad ng kauna-unahang …

PSC BCDA New Clark City

PSC at BCDA, pinagtibay ang makasaysayang pakikipagtulungan para sa training hub ng New Clark City

NEW CLARK CITY, TARLAC — Pormal na pinagtibay ng Philippine Sports Commission (PSC) noong Martes …