Monday , January 12 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Angel Locsin Neil Arce Marjorie Barretto Leni Robredo

Angel, iba pang artista nagbahay-bahay para kay Leni

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

PINANGUNAHAN ni Angel Locsin ang pagbabahay-bahay sa Cagayan de Oro City at Misamis Oriental para ikampanya si Vice President Leni Robredo bilang pangulo sa darating na halalan sa Mayo.

Ang pagbabahay-bahay ay bilang pagsunod sa panawagang paigtingin pa ang pagtulong sa kampanya ni Robredo bilang pangulo. Kasama ni Angel na nagbahay-bahay si Marjorie Barretto at ipa pang mga artistang sumusuporta sa kandidatura ni VP Leni noong Sabado sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

Mula sa kanyang pagbisita sa Marawi City, pinangunahan ni Angel ang pagbabahay-bahay sa Cagayan de Oro City at Misamis Oriental na hinikayat niya ang mga kapwa tagasuporta na kumausap ng 10 tao bawat araw at kumbinsihin silang iboto si Leni sa halalan sa Mayo.

Sinamahan naman ni Marjorie si Aika Robredo, anak ng Bise Presidente, sa kanilang pagbisita sa ilang barangays sa Quezon City. Maagang sinimulan ng aktres ang pagbabahay-bahay nang bisitahin niya ang ilang lugar sa Pasig na kinumbinsi niya ang mga botante na si VP Leni ang pinaka-kwalipikadong pamunuan ang bansa.

This was the reason why I decided to do house-to-house yesterday with other volunteers because we want to convince more of our fellow Filipinos that VP Leni is the most qualified to lead our country,” ani Marjorie sa Instagram.

Nag-ikot naman ang PieDu loveteam (Edu Manzano at Cherry Pie Picache) sa isang palengke sa Quezon City at ipinabatid ang mga plano ni Robredo para sa bansa.

Nagpamigay din sila ng pamphlets at ibang babasahin na naglalaman ng track record at mga nagawa ni VP Leni.

Sumama naman ang aktres at singer na si Agot Isidro sa pagbabahay-bahay sa Tagbilaran, Bohol at bumisita sa isang palengke kasama ang campaign manager ni VP Leni na si dating Senador Bam Aquino.

Tinalakay naman ng aktres na si Pinky Amador at hipag ni VP Leni na si Dr. Josephine Robredo-Bundoc ang plataporma ni Robredo na Oplan Angat Agad sa mga residente nang mag-ikot sila sa Dumaguete City.

Nakatuon ang platapormang Oplan Angat Agad ni VP Leni sa trabaho, kalusugan, at edukasyon.

Nais matiyak ni VP Leni na hindi bababa sa isang miyembro ng pamilya ang tumatanggap ng buwanang suweldo habang ang mga nawalan ng trabaho ay bibigyan ng tatlong buwang pinansiyal na ayuda habang naghahanap ng hanapbuhay. Pagdating sa kalusugan, magbibigay din si VP Leni ng access sa libreng doktor sa bawat pamilya at gagawing abot-kaya ang pagpapagamot para sa lahat ng Filipino. Nais din niya na bigyan ng kalidad na edukasyon ang mga estudyante upang maabot nila ang pangarap na trabaho sa hinaharap.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Bam Aquino Vico Sotto

Talent manager at online show host Noel Ferrer pinangalanan sina Bam, Vico bilang People of the Year 2025

HINIRANG ng talent manager at online show host na si Noel Ferrer sina Senador Bam Aquino at Pasig City …

Rave Victoria

Rave Victoria masaya sa suportang natanggap sa PBB Collab 2

RATED Rni Rommel Gonzales BINANSAGANG ”Optimistic Apo ng Tarlac” natapos na ang Pinoy Big Brother Celebrity …