NAGTUNGO si Atty. Alex Lopez sa Golden Mosque and Cultural Center sa Globo de Oro St., Quiapo, Maynila nitong Huwebes ng umaga.
Dumalo at nakiisa si Atty. Lopez sa kinaugaliang seremonya ng paglilinis ng Mosque bilang paghahanda sa pagdiriwang ng Ramadan na magsisimula sa Sabado, 2 Abril hanggang 2 Mayo ng taong kasalukuyan.
Nakibahagi ang Philippine Coast Guard (PCG) upang pangunahan ang aktibidad sa Grand Mosque at sumali si Atty. Alex sa paglilinis.
Ipinaalala ni Lopez na si Pangulong Ferdinand Marcos ang responsable sa pagpapatayo ng Grand Mosque. Nakasabay niya si Senadora Imee Marcos, panganay na kapatid ni Bongbong Marcos na kasalukuyang tumatakbong presidente ng Filipinas, sa pagbisita sa naturang Mosque at malugod silang tinanggap ng mga lider ng Muslim Community.
Ang mga kapatid na Muslim ang ilan sa mga vendors ng Maynila, na ipinahayag ni Atty. Alex na isusulong ang mga karapatan ng mga kapatid nating Muslim at sisiguraduhing magkakaroon sila ng marangal na hanapbuhay.
Matatandaan, noong nakaraang linggo, lumagda si Atty. Alex Lopez, Raymond Bagatsing at ilang kumakatawan sa mga Manilenyong Muslim sa isang kasunduan ng pagkakaisa at magdadala ng mabuti at inklusibong pamahalaan.