Monday , March 16 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Maris Racal Carlo Aquino

Carlo Aquino naka-move on na nga ba?

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

AMINADO si Carlo Aquino na walang timeline sa pagmo-move-on. Ito ang nilinaw niya sa press conference ng pinakabago niyang project sa ABS-CBN, ang original digital series na How To Move On In 30 Days na pinagbibidahan nila ni Maris Racal at mapapanood sa Youtube.

Maris Racal Carlo Aquino How To Move On In 30 Days

Maaliwalas ang mukha ni Carlo nang makaharap namin ito noong Miyerkoles at tila walang bahid na may problema siya sa kanyang lovelife. 

Kaya nang matanong ito kung mabilis ba siyang maka-move on sa break-up, sinabi niyang, “Parang walang timeline, eh. ‘Yung moving on, parang proseso ‘yan. In time, mawawala siguro. Mawawala na lang siya eventually. Minsan nga, hindi mo alam, naka move-on ka na pala,” ani Carlo.

Sinabi pa niyang masaya ang buhay niya ngayon lalo’t madalas niyang nakakasama ang anak na si Baby Mithi.

Maayos ang set-up nila ni Trina Candaza sa kanilang anak. May mga araw na nakakasama niya ang anak para makapag-bonding sila.

Carlo Aquino

Samantala, paano kaya masasabing naka-move na sa isang hindi nagtagumpay na relasyon ang isang Carlo Aquino?

“Tanggap mo na lahat ‘yung sitwasyon, kung ano ‘yung nangyari sa inyo at kung bakit nangyari ‘yun. Kumbaga mayroon ka nang eksplanasyon sa sarili mo na tatanggapin mo tapos magmu-move on ka na. Okay na ‘yun. Next.”

“Talagang kailangan mong i-surround ‘yung sarili mo sa mga taong magsa-shower sa ‘yo ng pagmamahal. ‘Yung mga kaibigan, ‘yung pamilya mo,” anito.

Ukol naman sa kung nagbibigay ba siya ng second chance sa nakahiwalay, sinabi ni Carlo na, “Siguro depende roon sa napagdaanan niyo. Hindi naman kailangan na may kasalanan, pero depende siguro kung paano ‘yung naging relationship niyo noong kayo pa.

“Para ma-justify mo na puwede ulit, puwede kong i-try ulit with this someone. Pero kung sobrang bigat ng pinagdaanan, parang mahirap na,” giit pa ni Carlo.

Ang How To Move On in 30 Days ay unang collaboration ng ABS-CBN at YouTube mula sa produksiyon ng Dreamscape Entertainment at mapapanood na simula sa April 4.

Kasama rin sa series na ito sina Phoemela Baranda, John Lapus, Albie Casino, Jai Agpangan, Sachzna Laparan, Kyo Quijano, Sherry Lara, Poppert Bernadas, Hamie Harrar, Elyson de Dios, at James Bello, sa direksiyon nina Benedict Mique at Dick Lindayag.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Virginia Rodriguez Leave Nobody Hungry Foundation

Ms. Virginia Rodriguez, nakatutok sa Leave Nobody Hungry Foundation

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio AMINADO si Ms. Virginia Rodriguez – president at chairperson ng …

Tuesday Vargas

Tuesday Vargas talento ibinabahagi habang naglalayag sa dagat

HARD TALKni Pilar Mateo MUKHANG umiingay ngayon ang sea cruises. O paglalayag sa dagat. Napakarami …

Angelica Panganiban The Silent Noise

Angelica ramdam bigat ng bawat eksena habang ginagawa ang The Silent Noise

ni ALLAN SANCON STAR studded ang katatapos na Blue Carpet Premiere ng bagong seryeng The Silent …

Ricci Rivero Juliana Gomez

Ricci pinararatangang oportunista sa pakikipag-close kay Juliana

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRA naman ang basher ni PBA cager Ricci Rivero. Sa pinag-uusapan ding …

Janine Gutierrez

Janine ipinangalandakan Fake News pagbubuntis

PUSH NA’YANni Ambet Nabus GAYA ng ibang celebrities na natsismis na buntis nang dahil lang …