Monday , November 18 2024

Aiko at VG Jay gumagawa ng oras para magkita   

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

NAKABIBILIBang pagmamahal ni Vice Governor Jay Khonghun ng Zambaleskay Aiko Melendez dahil pinuntahan niya ito sa grand rally noong Marso 26, 2022 Sabado sa Quezon City.

Abala rin kasi si VG Jay sa pangangampanya sa Zambales dahil tumatakbo itong kongresista sa 1st District ng Zambales pero binigyan niya ng oras ang kasintahan para sorpresahin ito na tumatakbo namang konsehal ng District 5 sa Quezon City.

Eh, baka magtampo sa akin, eh,” nangingiting kuwento ni Jay nang makausap namin ito kinabukasan sa White Rock, Subic, Zambales. “Kasi siyempre, ako ang number one supporter niya ganoon din naman siya. Kasi, umuuwi ‘yan dito para ikampanya ako.

“So siyempre, support lang kaming dalawa. Nagpunta ako kagabi kasi big event niya.

“Nagpunta rin sina Ate Yayo (Aguila), Gelli (de Belen), Wendell (Ramos,” kuwento ni VG Jay.

Sinabi pa ni VG Jay na hindi isyu na pareho silang tumatakbo ngayon ni Aiko. 

Kasi, we have our own career talaga na we are two separate individuals.

Na very opinionated and everything. May kanya-kanya kaming career na kailangan naming harapin, alagaan.”

Sinabi pa ni VG Jay na, “She loves Quezon City District 5 so much. I love Zambales, and the first district of Zambales and Olongapo City so much.

“‘Yung career naman naming dalawa, hindi naman dependent sa isa’t isa, but nagtutulungan kami.”

Hindi rin hadlang sa kanilang relasyon ang pagkakalayo nila. Si VG Jay ay nasa Zambales at si Aiko naman ay nasa QC. 

“Siyempre, ‘yung trust sa isa’t isa, marami siyang nakikilala every day. Marami rin akong nakikilala every day. Pero siyempre, as time goes by, ‘yung trust namin sa isa’t isa, ‘yun ang importante. Alam ko na wala siyang gagawin na mao-offend ako, or masasaktan ako.

“At alam din niya na wala rin naman akong gagawin para ma-offend siya o saktan siya.”

Samantala tiniyak ni VG Jay na makababalik ang ABS-CBN.  Pero dedepende ito kung sino ang magwawaging Pangulo sa eleksiyon.

Ani VG Jay, tiyak na isa sa pinakamainit na usapin pagkatapos ng halalan sa Mayo ang pagbabalik ng ABS-CBN. “It can be readily available depende kung sino ang mananalo,” sambit ni VG Jay.

Sinabi pa nitong maging si Aiko ay supporter ng ABS-CBN. “Kahit noong nasa kabila (GMA7) siya. Kasi nga, ano siya eh, nagke-care siya sa mga empledo ng ABS-CBN, marami siyang kaibigan, nabigayn ng trabaho, nabigyan ng break, at saka ‘yung love niya sa industriya. lalo na nagkakasabay-sabay ngayong pandemic, chain reaction ‘yan.”

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

MTRCB Tara, Nood Tayo Lala Sotto

MTRCB, PCO, PIA, at OES nagkasundo sa pagsusulong ng Responsableng Panonood

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio ILULUNSAD ng ilunsad ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) …

Edu Manzano Shaina Magdayao Kim Atienza

Batas vs piracy paigtingin, Pinoy nahaharap sa matinding panganib (Edu, Kuya Kim, Shaina nagpahayag ng suporta)

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio MAS mataas ang mga cyberthreat na haharapin ng mga Filipino …

Tom Rodriguez

Tom walang issue ang pagkakaroon ng anak

HATAWANni Ed de Leon INAMIN na ni Tom Rodriguez na may anak na siyang lalaki na apat …

Ai Ai de las Alas Gerald Sibayan

Gerald pinakamabait sa naging asawa ni Ai Ai

HATAWANni Ed de Leon KUNG si Ai Ai delas Alas ay benggador, ang kailangan lang niyang gawin …

Robbie Jaworski Andres Muhlach

Robbie Jaworski pantapat ng ABS-CBN kay Andres Muhlach ng TV5

HATAWANni Ed de Leon UY pumasok pala sa ABS-CBN si Robbie Jaworski, anak nina Dudot Jaworski at Mikee Cojuangco na mukhang …