Saturday , January 31 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Zephanie Dimaranan

Acting career ni Zephanie bibigyang katuparan ng GMA

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

MATUTUPAD na sa wakas ang matagal nang inaasam-asam ng singer na si Zephanie Dimaranan ngayong parte na siya ng Sparkle ng GMA.

Pag-amin ng 19 year old Idol of the Philippines champion, “Acting is in my bucketlist.” 

Sinabi pa ni Zephanie na handa na siyang bumuo ng bagong relasyon at gumawa ng bagong adventures sa bago niyang tahanan, ang GMA.

I started [my career] on GMA,” pag-amin nito. “Acting po kasi we thought it was a singing contest, ‘yun pala teleserye siya about singing contests. But isa po ako sa mga napili roon.”

Ang tinutukoy ni Zephanie ay ang GMA soap na Biritera na nag-audition siya noong siyam na taong gulang pa lamang sa paniniwalang isa iyong singing contest noong 2012.

At sa pagbabalik niya sa Kapuso gusto niyang makatrabaho sina Julie Anne San Jose, Lani Misalucha, Mark Bautista, at Christian Bautista.

Excited naman siyang maka-eksena sina  Jhake Vargas at Derrick Monasterio kapag nabigyan na siya ng pagkakataong makagawa ng serye.

Masaya ako sa bagong chapter. I’m really excited to be back on stage,” excited na kuwento nito.

This is where I want to grow,” sambit niya at iginiit na gusto niyang malinya sa mga drama o iyong teen romance genre.

Bagamat gusto niyang makagawa ng teen romance hindi iyon nangangahulugang handa na siyang magmahal o magka-boyfriend.

Aniya,  “Kung ibibigay ni Lordpero mas gusto kong mag-focus muna sa career ko.”

Sakaling magkaroon siya ng oras sa love, hanap niya ang matangkad at  moreno at “May dating ‘pag kumakanta siya, lalo na kung OPM o kundiman, iba talaga ang dating.”

Pormal namang winelcome ni Gigi Lara, GMA Senior Assistant Vice President for Alternative Productions at ni Johnny Manahan ng Sparkle si Zephanie sa Kapuso Network

We are very happy to welcome Zephanie to the Sparkle family. She will be singing the summer theme for Sparkle so we hope everyone will watch out for that! Her Kapuso family is also excitedto welcome Zephanie in ‘All Out Sundays’ this Sunday. We really want to harness the powerhousetalent of Zephanie, to watch her grow as an artist, and to see her in more programs and projectsin GMA,” ani Gigi.

We are excited, Zephanie will shine even more with our new partnership with Sparkle. Looking forward to new possibilities and platforms where Zephanie can showcase her talents,” sambit naman ni Jeff VadilloCornerstone’s Vice President.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Fifth Solomon Joseph Marco Rhen Esçan̈o

Direk Fifth aarte muli basta maganda ang proyekto  

MATABILni John Fontanilla HANDA pa ring umarte sa mga teleserye o pelikula  si direk Fifth Solomon. Matagal-tagal …

Alden Richards Nadine Lustre

Alden excited makatrabaho si Nadine 

MATABILni John Fontanilla MASAYA si Alden Richards na makakatrabaho si Nadine Lustre. Anang actor, isa si Nadine sa …

Ai Ai delas Alas Empoy Marquez

Ai Ai ayaw manira ng masayang pamilya

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez “AYAW kong manira ng masayang pamilya!” Ito ang iginiit ni Ai Ai delas …

Vic del Rosario Ricky del Rosario

Kapatid ni Boss Vic na si Ricky ngayong araw ang libing

I-FLEXni Jun Nardo PUMANAW na ang nakababatang kapatid ni Boss Vic del Rosario ng Viva Group of Companies na …

Rhian Ramos Michelle Dee Baro Alyas Totoy

Michelle nasa Iloilo nang maganap ‘pag-torture’ sa driver, Kampo  ni Rhian iginiit walang illegal detention

I-FLEXni Jun Nardo MAAGAP na naglabas ng panig ang legal counsel nina Rhian Ramos at Michelle Dee sa umano’y …