Monday , December 23 2024

Willie sa fake news: “di ko papatulan, kahit sabihin n’yong walanghiya ako

SA pamamagitan ng kanyang show na Wowowin: Tutok Para Manalo, na napapanood sa Youtube at Facebok, nagsalita na si Willie Revillame tungko sa isyu sa kanya na pinagsisisihan na raw niya ngayon ang paglayas sa GMA 7 para pamunuan ang Advanced Media Broadcasting System Inc. (AMBS), na pagmamay-ari ni Sen. Manny Villar.

Balitang si Willie raw ang magpapatakbo nito kapag nagsimula na itong mag-operate.

Sabi ni Willie, “Hindi ko na papatulan ang mga negative. Kung nakakabasa kayo ng fake news, huwag na lang pansinin ‘yan, naku, mahirap na lang magsalita.

“Hindi ako naaapektuhan diyan, whatever you say, alam namin kung ano ang totoo, ang programang ito ay gumagawa ng paraan para makatulong sa mga kababayan.”

Pakiusap pa niya sa publiko, “At saka huwag niyo ako isusulat sa bilyonaryo. Hindi ako bilyonaryo. Hindi ako businessman na bilyonaryo. Simple lang po ako, masinop lamang ako sa buhay.

“Last week may mga lumalabas sa diyaryo, sa mga bilyonaryo na news diyan. Dapat reliable ang source niyo, kasi napi-fake news kayo.

“Sayang lang ‘yung news niyo, isulat niyo ako nang isulat, kahit anong sabihin niyo sa akin, masama, walanghiya, wala sa akin ‘yan.

“Basta alam ng Diyos, alam ng aking mga nakakasama kung ano ang pagkatao ko at kung ano ang totoo. ‘Di ba, yun ang importante?” aniya pa.

𝙍𝙤𝙢𝙢𝙚𝙡 𝙋𝙡𝙖𝙘𝙚𝙣𝙩𝙚

About hataw tabloid

Check Also

Joel Cruz P25-M 25th anniversay Aficionado 

Joel Cruz mamimigay ng P25-M sa 25th anniversay ng Aficionado 

MATABILni John Fontanilla MAMAMAHAGI ng P25-M ang tinaguriang Lord Of Scents na si Joel Cruz …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

MMFF50

Sampung pelikula para sa MMFF50, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ILANG araw bago ang Kapaskuhan, inilabas na ng Movie and …

MMFF 2024 MTRCB

Mga pelikula sa MMFF, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

INILABAS na ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang angkop na klasipikasyon …