NAKABIBILIB ang paninindigang political ni Nikki Valdez. At maayos niyang naipaliwanag kung bakit si Vice President Leni Robredo ang sinusuportahan niya sa pampanguluhan sa darating na eleksiyon sa Mayo 2022.
At kahit pinuputakte siya ng mga basher na nagnenega sa kanyang post sa Instagram ukol sa paninindigan niyang political, sinagot niya ang mga ito ng maayos.
Nag-umpisa ang pampba-bash sa kanya nang maikuwento niya sa socmed niya ang ukol sa isang delivery rider na tulad niya ay isa ring proud Kakampink o sumusuporta kay Robredo.
Pagbabahagi niya sa usapan nila ng driver:
Ani Nikki, “Starting my week right!!!” na sinagot ng rider ng, “Ma’am, delivery/pick up po!’
“Kuya, di ka mawawala. Yung bahay namin yung mukhang #KulayRosasAngBukas at #HelloPagkainGoodbyeGutom,’” sagot ni Nikki.
Sagot naman ng rider: “Ay okay po Ma’am kita ko na.”
“Salamat ng marami kuya. Nandyan din ang TRoPang Angat para kumpleto na listahan mo at mapag aralan silang mabuti,’” mensahe ni Nikki.
“42 days to go!!!! Halika na’t kumausap para maraming mamulat sa isang #GobyernongTapatAngatBuhayLAHAT!!” sambit pa ng aktres.
Dito na pinutakti ng mga negatibong komento ang aktres dahil sa pagbanggit niya ng sinusuportahang kandidato.
“Sa mga nagcomment or magcocomment dito sa post ko ng napupusuan nilang iboboto, tanungin po natin ang mga sarili natin BAKIT SIYA ang gusto natin?
“Wag po tayong maging mapangutya dahil lang iba ang napupusuan niyo sa napupusuan ko. Give yourself the chance to think twice before commenting.
“Let’s be good to each other. Subukang maging peaceful ang pangangatwiran. Di naman natin kailangan mag away away.
“I would love to hear your points regarding your choice of candidate,” mahabang pahayag ng aktres. “Lahat tayo gusto ng magandang kinabukasan at mas magandang Pilipinas kaya huwag natin sayangin ang boto itong darating na eleksiyon,” dagdag pa ni Nikki.
(𝙈𝙑𝙉)