Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Melai at mga anak hinaharas, pinagbabantaan ng mga anti-Leni

ISANG netizen ang galit na galit kay Melai Cantiveros na halatang tagasuporta ni Presidentiable Bongbong Marcos.

Sa isang campaign rally kasi ng tumatakbo ring presidente na si Vice President Leni Robredo, na naging isa sa host si Melai, ay nagsalita ito ng against kay Bongbong.

Kaya siguro ‘yun ang dahilan kung bakit galit na galit nga sa kanya itong isang netizen.

Pinagmumura, tinawag na magnanakaw, at pinagbantaan nito si Melai. At pati ang dalawang anak nito na sina Mela at Stela ay idinamay pa ng basher.

Post ng hater ni Melai laban sa kanya, “ANO PANGIT??? NAGMAMALINIS KANG HAYOP KA… NANAY MO MAGNANAKAW GAGA pinalaki ka sa pagnanakaw ng ina mo.

“ANO? MAGNANAKAW SI MARCOS PA MORE… MAKITA LANG NAMIN KAYO SA LAVAS KAHIT KASAMA MO MGA ANAK MO PT*G Ina KANG PANGIT KA.”

Sa isa pang post nito. Sabi niya, “HAHAHA SUMPAIN PAMILYA MO PANGIT.”

Siyempre galit na galit Melai sa kanyang basher. Kaya pinahanting niya ito.

Ipinost pa ni Melai sa kanyang IG account ang picture ng netizen. At sa caption nito, nakiusap siya sa kanyang supporters at social media followers na tulungan siyang mahanap ang netizen. Humingi na rin siya ng tulong sa mga abogado.

Post ni Melia, “Nananawagan po ako kung nasaan ang taong itu nang masampahan ng nararapat legal na aksyun.

“Paki PM po ako Maraming Salamat Matigil na ang mga pang haharass na tu At para sayu na nasa picture na yan PAPAHANAP KITA KAHIT SAAN KA MAN TANDAAN MO YAN.

“Nananawagan din ako sa mga #LawyersForLeni @lawyersforleni,” sabi pa ni Melai.

Marami namang netizens ang nangakong tutulungan si Melia sa paghahanap sa nasabing netizen.

Sabi ng nga isang netizen, “

Advice naman ng isa, “Melai siguro magpa–blotter ka na rin dahil sa natatanggap mong panghaharas. And hire a legal counsel immediately para makasuhan agad yang basher na yan. Libelous na ang pinagsasasabi niya.”

𝙍𝙤𝙢𝙢𝙚𝙡 𝙋𝙡𝙖𝙘𝙚𝙣𝙩𝙚

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Zaijian Jaranilla Earl Amaba Krystel Go Im Perfect

Zaijian nahirapan noong una: pero nang nakita ko ‘yung eksena sobrang magical

RATED Rni Rommel Gonzales MAHUSAY na aktor pero aminado si Zaijian Jaranilla na nahirapan siya sa papel …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

Sylvia Sanchez Im Perfect MMFF

Sylvia laban o bawi ang I’m Perfect

RATED Rni Rommel Gonzales MGA “anghel sa buhay namin” ang tawag ni Sylvia Sanchez sa mga cast …

Innervoices Aliw Awards

Innervoices Best Group Performer in Hotels, Music Lounges and Bars sa 38th Aliw Awards

RATED Rni Rommel Gonzales “MEN in white” barong ang peg ng paborito naming Filipino all-male …

Maya Twinyonaryo

Maya sa Twinyonaryo ng paghiram, paggastos 

NGAYONG Kapaskuhan, mas sulit ang bawat gastos mo lalo kung may chance manalo ng malaki …