Monday , January 12 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Iya nakapag-bungee jumping habang buntis

INIHAYAG ni Iya Villania na nag-bungee jumping siya sa unang pagkakataon nang hindi niya alam na ipinagbubuntis na pala niya ang anak na si Leon.


Ibinahagi ito ni Iya sa show nila ni Camille Prats na Mars Pa More, nang sabihin ng kanilang guest na si Bianca Umali na hindi pa siya nakakapag-bungee jumping.


Sa segment na On The Spot, pinadugtungan kay Bianca ang salitang: “Sa buong pamilya ko, masasabi kong ako lang talaga ang hindi pa nakakapag…”


Dito na sinabi ni Bianca na tanging siya na lamang sa kanilang magpipinsan na adrenaline junkie ang hindi pa nakakapag-bungee jumping.


Pero nais itong subukan ng aktres dahil nararamdaman niya na habang tumatanda siya ay lalo siyang nagiging matatakutin o mas maingat sa sarili.


“Parang I can’t risk anything,” saad Bianca. “No time to get injured, no time to recover from something.”
Matapos nito, ibinahagi na ni Iya na first time siyang nag-bungee jumping nang nasa Mexico siya at hindi niya alam na buntis siya noon kay Leon.


“How funny,” ani Iya. “But it was a moment kasi na I couldn’t say no. Nasa Mexico ako na parang when you’re given a chance, and its the perfect opportunity…jump! Go for it.”


Pero pahabol na payo ni Iya, “Huwag naman sana kapag alam mong buntis ka.”


Napapanood si Iya sa Eat Well. Live Well. Stay Well. ng Ajinomoto at GMA.


𝘙𝘰𝘮𝘮𝘦𝘭 𝘎𝘰𝘯𝘻𝘢𝘭𝘦𝘴

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Andrew E

Andrew E dagsa ang fans, mamamahagi ng collectibles

HARD TALKni Pilar Mateo MAILALARAWAN ang master rapper of this era, Andrew E. bilang livin’ …

Encantadia Chronicles Sanggre

Encantadiks tuloy-tuloy ang panalo

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG lakas ng Encantadia Chronicles: Sang’gre sa primetime. Base sa overnight NUTAM People …