Monday , January 12 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Barbie proud na marunong nang magmaneho

IBINAHAGI ni Barbie Forteza ang isang personal achievement niya, ang pagmamaneho. Marunong na kasing magmaneho ang 24-year-old Kapuso Primetime Princess matapos mag-enroll sa isang kilalang driving school.

“I feel more independent and nararamdaman ko na talagang tumatanda na ako. Hindi na kailangan palaging nandiyan ang daddy ko para ipag-drive ako. Siyempre may times na dapat ako na lang mag-isa, kaya ko naman,”aniya.

Nagsisimula palang siyang magmaneho pero nais niyang maranasan ang isang solo drive patungong Tagaytay.

“Siguro ‘yung pinaka-realistic na gusto kong mapuntahan na ako ang mag-drive, Tagaytay. Gustong gusto kong pumunta roon–food trip tapos maganda ‘yung weather,” bahagi ni Barbie.
“Sana hindi ako antukin. Sana hindi traffic. ‘Yun lang naman,” pabirong dagdag ng aktres.

Bukod sa pag-aaral at pagpa-practice ng kanyang driving skills, naglalaan muna si Barbie ngayon ng oras para sa kanyang sarili at kanyang pamilya bago sumabak muli sa isang serye.

“For now, I will spend some time with my family again. Also with myself, na-enjoy ko ang ‘me time’ ko ngayon. But every now and then, yes, may work pa rin naman. You still see me sa ‘All Out Sundays,’” ani Barbie.

Mapapanood din si Barbie sa bagong episode ng Magpakailanman, ang Bipolar Mom sa Sabado, 8:00 p.m., April 2, sa GMA. May hashtag itong #MPKBipolarMom na gaganap na ina ni Barbie si Jackielou Blanco.

𝘙𝘰𝘮𝘮𝘦𝘭 𝘎𝘰𝘯𝘻𝘢𝘭𝘦𝘴

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Andrew E

Andrew E dagsa ang fans, mamamahagi ng collectibles

HARD TALKni Pilar Mateo MAILALARAWAN ang master rapper of this era, Andrew E. bilang livin’ …

Encantadia Chronicles Sanggre

Encantadiks tuloy-tuloy ang panalo

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG lakas ng Encantadia Chronicles: Sang’gre sa primetime. Base sa overnight NUTAM People …