Sunday , December 22 2024
KZ Tandingan

KZ Tandingan magme-mentor sa Top Class

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

HAPPY and pressured. Ito ang inamin ng Asia’s Soul Supreme na si KZ Tandingan nang makausap namin noong Lunes ng hapon nang ipakilala siya bilang isa sa vocal mentor ng Top Class: The Rise to P-Pop Stardom. 

I’m very happy, very excited and at the same time may pressured din siyempre ‘di ba it’s a huge responsibility na maging mentor sa 30 students na magiging part ng ‘Top Class.’ 

“Pero I’m just very excited,” tuloy-tuloy na sabi nito nang matanong namin sa feeling nito na isa siya sa vocal mentor. 

Ang Top Class: The Rise to P-Pop Stardom ay handog ng Kumu, TV5, at Cornerstone Entertainment.

At dahil vocal mentor si KZ, ano ba ang hinahanap niya para sa isang estudyante?

“Number one siguro is, siguro ode, but I think the most important but not the most important is a student with the right attitude. Because I believe that your talent will get you up there, but your attitude will make you stay there (up).  Mas gusto kong katrabaho ang mga artist na alam nilang hindi pa sila ganoon kagaling but they are willing to work and willing to learn at ‘yung open minded sa lahat ng mga bagay na pwede pa nilang matutuhan.

“Number two kailangan aside from having a good attitude towards their craft and attitude, siguro ‘yung kailangan they put in the hard work. Dapat talaga kapag pumasok sa ‘Top Class’ alam mo na marami kang isasakripisyo, marami kang gagawin just to get you to the top and for you to learn,” sambit pa ni KZ.

At ngayong siya na ang nagju-judge, ano ang feeling niya na dati’y siya ang jina-judge?  “Masaya kasi literal na I’ve been in their shoes. Medyo alam ko ‘yung pagdaraanan nila. I know how it’s gonna feel kapag andoon na sila sa rigorous na mangyayari sa competition. But I am very excited at andito lang ako to guide them to inspire them, to remind them na magiging mahirap ang journey na ito pero it’s worth.”

Sinabi pa ni KZ na sobra siyang nakare-relate sa mga sasabak sa Top Class. “Kasi literal na I skip my exam para lang pumila sa ‘X-Factor’ dati simula 7:00 a.m. hanggang 8:00 p.m.. kaya literal na pinagdaanan ko ‘yung proseso na ‘yun up to very the last day ng ‘X Factor.’

At bilang mentor pinaghandaan niya itong mabuti. “Actually noong una inisip ko talaga how do I start? Where do I start?  But binalikan ko rin ‘yung kung paano ko ba inaatake usually ang mga performance ko when I’m given a song na hindi ako masyadong pamilyar. A okey, step one ito ang ginagawa ako. Step two ito. Now in the process of writing, preparing na ang tawag nila syllables pero gusto ko ‘yung structures na pina-follow para alam ko kung ano ‘yung ibinabahagi ko sa kanila, alam ko…kasi ako marami pa akong matututunan eh, I’m still learning. 

“So pipiliin ko lang kung ano ang mga kailangan nilang gawin ngayon, kung ano ang kaya nilang ma-absorb ngayon. Ano ‘yung kaya nilang mai-aplay this week and next week. Kasi sobrang hate ko talaga ‘yung dumating sa trabaho na walang alam na gagawin. So even for these, kahit na hindi ako si KZ na magpe-perform, I want to make sure na I’m coming to the show na hindi man fully prepared I know what I’m going to do.”

Natanong din namin si KZ kung anong klaseng mentor ba siya?

“I know I’m gonna be strict kasi siyempre hindi rin ako matututo ng ganito kung naging complacent lang din ‘yung mga taong nag-mentor sa akin in the past. Like what they did to me, I’m going to make sure na it’s fun kasi mas maa-absorb mo ‘yung mga bagay  na gusto mong matutuhan kapag masaya ‘yung manner ng pagtuturo sa iyo. 

So, I will going to work hard to make this fun and I will be strict. Kahi sasabihin kong I will be nice, yes I will be nice but I will also be strict.”

Handa rin si KZ na i-share ang lahat ng natutuhan niya mula sa mga nag-mentor din sa kanya. “Totoo as an artist na ilang taon na rin ako rito, sobrang importante sa akin whatever I accumulate, ‘yung mga natutuhan ko, I make sure na nagse-share rin ako sa mga bagong artist ngayon dahil y’un din ang ginawa sa akin in the past. Na kung hindi willing na mag-share ‘yung mga idol ko sa mga nalalaman nila sa akin, I wouldn’t be where I am now, so It’s my responsibility to pay forward.”

Samantala, umaarangkada na ang auditions ng Top Class at ito’y mananatiling bukas hanggang April 20, 2022. Para sa edisyong ito, magiging bukas lamang ang auditions para sa mga kalalakihan na may edad 16-26. Makikita ang detalyadong mechanics ng auditions sa mga social media account ng Top Class at kakailanganing i-accomplish ng mga gustong mag-aplay ang steps na nakalista sa Kumu Channel ng Top Class.

Ang Top Class ay isang kakaibang kolaborasyon ng Pinoy entertainment powerhouse: Kumu, Cignal Entertainment, TV5, at Cornerstone Entertainment. Ang palabas ay iho-host ni Miss Universe 2018 Catriona Gray.

Abangan ang reality show na ito ngayong 2022 sa TV5, Kumu, at mga piling digital platform.

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …