Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Bea Alonzo Beautederm Rhea Tan

Bea Alonzo, inaakap ang sexy at fit image; Thankful kay Beautederm CEO Rhea Tan

PABONGGAHAN
ni Glen P. Sibonga

SUNOD-SUNOD ang mga produktong pampaseksi at pang-maintain ng fit body na ine-endorse ni Bea Alonzo. Ang latest nga ay bilang brand ambassador ng Beautéderm REIKO Slimaxine at REIKO Fitox.

Kaya naman sa media launch na inorganisa ng Beautederm na nakasama ni Bea ang Beautederm CEO and President na si Rhea Anicoche Tan, natanong namin ang magaling na actress-endorser kung paano niya ine-embrace ang kanyang sexy and fit image ngayon.

O ‘di ba nakahabol pa!” natawang bulalas ni Bea. “How am I embracing it? ‘Yun nga I’m more comfortable in my own skin. I feel sexy in my own way. I feel more beautiful than ever. Kasi ngayon may self-love na. Ngayon I know I am enough… parang I’m deserving of all the blessings. So, sine-celebrate ko lang… ine-embrace ko lang ang lahat.”

Nagpapasalamat nga si Bea kay Miss Rhea sa patuloy na pagtitiwala at pagmamahal sa kanya na tuloy-tuloy ang pagiging Beautederm ambassador niya. Actually, bago ang REIKO Slimaxine at REIKO Fitox nauna nang iendoso ni Bea ang Etre Clair Mouthspray ng Beautederm.

Agad nagkapalagayan ng loob sina Bea at Miss Rhea. “Hindi ako nagtaka na maraming nagiging close sa kanya especially her ambassadors kasi madali talagang makagaanan ng loob si Miss Rhea. Kasi she’s very, very sweet. Hindi lang actually sa Beautederm, kahit may iba akong victories, successes or ‘pag may bago akong project, she would message me. And I appreciate that na she’s celebrating with me, alam mong she cares about her ambassadors. 

“Sa totoo lang, madali rin talaga siyang mahalin kasi very open siya as a person. Alam mong walang masyadong walls. And also I look up to her kasi imagine mo she’s the CEO of her company, and it’s a big company that helps women and their families. Gustong-gusto ko ‘yung mission and vision ng kompanyang ito. That is the reason why I really look up to her. At alam ko that’s also the reason kung bakit lahat ng ambassadors niya ay mahal siya at malapit sa kanya,” mahabang papuri ni Bea kay Miss Rhea.

Para naman kay Miss Rhea, ramdam niya ang sincerity ni Bea. “Kasi hindi kami nagkakasama (dahil sa pandemic), madalas chat at nagme-message lang kami. Pero minsan the way na mag-message ‘yung isang tao kasi parang ramdam mo siya. At saka siyempre siya si Bea Alonzo eh, so parang every time na magme-message siya, kinikilig talaga ako, ganoon. Siguro nagugulat siya minsan sa akin na kung ano-ano ang ipinadadala ko,” ani Miss Rhea.

“Oo ganoon siya minsan papadalhan niya ako ng paborito kong longganisa,” sabat ni Bea. “At saka alam mo ba favorite ko ‘yung hair brush ng Beautederm. Hindi ako lumalabas na hindi ko dala ‘yun.”

Ang REIKO Slimaxine at REIKO Fitox ng Beautéderm ay Japan-made, 100% safe, epektibo, FDA-compliant, at mga all-natural na supplements. Ang REIKO Slimaxine ay isang Diet Enhancer habang ang REIKO Fitox naman ay isang Digestion Enhancer – na parehong masusing nilkha upang makapagbigay ng daily optimum digestive wellness na tumutulong palakasin ang overall wellbeing ng bawat indibidwal lalo na ngayon na mahirap ang buhay at ang magandang pamumuhay ay binibigyang kahulugan ng holistically sound physical, emotional, at mental conditions.

Kaya nakakain ni Bea ang gusto niyang kainin at hindi niya dibe-deprive ang sarili gaya na lang sa paborito niyang longganisa. Ginagantimpalaan niya ang kanyang sarili ng masasarap na pagkain habang pinananatili niya ang isang active lifestyle upang mapangalagaan ang kanyang katawan at isip.

“Perfect na digestive supplements para sa akin ang REIKO Slimaxine at REIKO Fitox ng Beautéderm because aside from being all-natural they help me in eating right at the right time while aiding my stomach to break down the food while strengthening my gut,” ayon kay Bea. “Para sa isang very health conscious na katulad ko, perfect combination ang REIKO Slimaxine at REIKO Fitox sa pag- maintain ng isang healthy lifestyle. Kailangan kong maging malusog dahil para sa akin true beauté is really loving and taking care of myself first, and then I could extend that love and care to others.”

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Glen Sibonga

Check Also

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …