Saturday , November 16 2024

World TB Day, binigyang kulay ng QC jail

AKSYON AGAD
ni Almar Danguilan

KADALASAN seryoso ang pagselebra ng nakararaming institusyon sa World TB Day. Tinatakot este, pinaalalahanan ang mamamayan hinggil sa nakatatakot at nakamamatay na sakit – ang TB o “tuberculosis.”

Katunayan, isa sa naging pangulo ng bansa natin noon ay namatay makaraaang magka-TB. Noong panahon na iyon ay wala pang sapat na gamot kontra TB.

Pero ngayon, sa kabila ng mayroon nang gamot, kabilang pa rin ang TB sa talaan na isa sa napakadelikado at nakamamatay na sakit lalo na kung ito ay napabayaan ng may taglay nito.

Nitong Huwebes, Marso 24, 2o22 isinelebra ang World TB Day awareness. Nakiisa ang Quezon City Jail (Male Dormitory) na pinamumunuan ni Warden J/Supt. Michelle Ng Bonto sa selebrasyon upang mabigyan ng dagdag kaalaman ang mga persons deprived of liberty (PDLs) para hindi mahawaan o kung magkaroon man ay alam nila kung ano ang gagawin.

Para hindi makalimutan ng mga inmate ang kahalagaan ng pagpapagaling sa sakit na TB, ginawang makulay ni Bonto ang selebrasyon sa loob ng piitan. Ang selebrasyon ay ginawan ng gimik na may partisipasyon ang PDLs.

Ang tema ng selebrasyon ay “Invest to End TB, Save Live” sa pakikiisa na rin ng Department of Health (DoH); Red Cross Quezon city at QC Local Government Unit (LGU).

Ayon kay Bonto, ang programa ay isinagawa upang mabigyan ng awareness ang PDLs sa sakit na Tuberculosis na isa sa ikinamamatay ng maraming tao sa buong mundo kung hindi maagapan.

At upang maging memorable o may magpapaalala sa PDLs ng hinggil sa pagpuksa sa TB, ginawang makulay ni Bonto ang selebrasyon. Nagkaroon ng mga paligsahan ang PDLs – rap singing contest na may temang Susuka Pero Di Susuko; Miss TB-TILYO 2022 para sa LGBTQIA+, at on-the-spot poster making contest.

Bukod dito, inilunsad din ang “Sabayang Inom Program” sa lahat ng PDLs – sabay-sabay silang iinom ng tubig tuwing 9:00 am; 12:00 ng tanghali at 3:00 pm. Pero siyempe, in between ng mga schedule ay puwede pa rin uminom ng tubig ang mga inamte.

“‘Yung sabayan na pag-inom ng tubig na ating isasagawa araw-araw sa mga PDL ay upang makaiwas sila sa pagkakaroon ng dehydration at heat stroke dahil na rin sa sobrang init ng panahon na nararanasan ngayong summer” ani Bonto.

Kaugnay nito, ang QCJMD na naman ang kauna-unahan sa BJMP at sa lahat ng kulungan sa National Capital Region na nagkaroon ng Genex o Gxpert na isang machine upang mabilis na malaman kung may sakit na TB ang isang indibiduwal sa pamamagitan ng pag-eksamen sa laway at plema.

Katotong Ka Rex, kampeon sa derby

Nitong nagdaang araw, nagkamustahan kami ni Ka Rex Cayanon, isang kapatid sa hanapbuhay thru messenger. Matagal-tagal rin kaming walang komunikasyon…at hindi pa rin ulit nagkita. Busy siya sa kanyang mga mahal na panabong na manok at ako naman ay sa pagbebenta ng halaman. Hobby na nakatutulong sa pang-araw-araw na pangangailangan.

Napunta ang kumustahan sa mga panabong niyang manok. E ang gagaling pala ng mga manok ni katotong Rex. Akalain mo, nagsolong kampeon si Ka Rex sa katatapos na Battle of the Big Boys 6-cock Super Big Event nitong Marso 21 na ginanap sa Manila Arena. Aba’y pakape ka na riyan Bro. 3 in 1 lang okey na ako. Hindi na kailangan ng Starbucks. Hehehe.

“Sabong on Air” ang entry name ni Ka Rex. Parang programa lang sa himpapawid ha. Media-media ang dating… umiskor ng perfect six points ang SoA para masolo ang titulo sa event na napanood ang lahat ng soltada sa WPC-PitMaster Live.

Shinapol ng SoA ang mga bigtime breeder at sabungero, kasama sa mga tinalo ng mga warrior ni Ka Rex ang entry na AA0 Hit Cock na pag-aari ni Gerry Ramos.

Unang pinupog ng SoA ang Sudan Sun Liberator Power nina Paul Torres at Aldo, sunod ang AA0 HitCock at pangatlo ang BMY-SUPERTUFF-DC Bailen.

Pinagpag din ng mga manok ni Cayanong ang AA-DLG-JPB nina Atong Ang at Liloy Go sa fourth fight sunod ang Jecca 196/Tyago 1017 nina Joel Cuento at Christrian Almario.

Nasungkit ng SoA ang pang-anim na panalo nang kikigin nito ang Fantastic Mantis San Marcos na combined entry nina Amben Amante at Jun Garbes at sungkitin ang premyo.

Ayon kay Cayanong, malaking bagay sa kanyang tagumpay ang ginawang paghahanda sa manok nito ng kanyang mga handlers na sina Ian Avila, Ranier Bernal at Bhem Bhem Inrico habang ang gaffer ay si Juan Carlos ‘TAWO’ Bullicer.

Ang gagaling pala talaga ng mga manok mo parekoy, akalain mo, mga bigtime ang mga napatumba mo. Ibig sabihin, mas magaling ang inyong pag-aalaga sa mga manok lalo sa inyong mga handlers. Ano kaya bro kung, subukan ko rin mag-alaga ng mga panabong na manok? He he he…o paano good luck sa mga susunod na laban mo katoto. Kita-kits na lang kapag may bakangte oras. Ang kape ko ha!

About Almar Danguilan

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …