Saturday , January 31 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Dido dela Paz

Veteran actor Dido dela Paz humihingi ng tulong, cancer kumalat na

NANANAWAGAN ng tulong pinansiyal ang award-winning actor na si Dido dela Paz para sa kanyang karamdaman.

Sa Facebook post ni Mang Dido, humihiling siya ng  isang himala para gumaling agad sa kanyang sakit. 

Sinabi ng aktor na hindi na siya maaaring operahan dahil kumalat na sa kanyang katawan ang cancer at umabot na rin sa kanyang utak.

“Hindi ako makatulog…” mensahe ng 65-years old na veteran actor. “Paano na kaya ito???… Sabi ng doktor hindi na raw pwedeng operahan yung cancer ko. Kumalat na.

“Base sa nakita sa ctscan, umabot na sa utak ko. May nasilip din sila’ng kung ano sa lungs ko.

“Kailangan kong ma test to rule out TB dahil baka mahawaan ko ang pamilya ko, ang mommy ko na 96 yrs old na at mga anak kong mga bata pa,”  anang aktor na lalong nakitaan ng galing sa pelikulang Respeto ng Cinemalaya 2017.

Lahad pa ni Mang Dido, “Hindi din daw makukuha sa chemo. Radioncology daw ang posible pero mahal. Kailangan ng cranial ctscan, chest ctscan,o baka petscan para isahan nalang.

“Lumolobo ang utak ko sa halagang kakailanganin. Gusto kong gumaling, lumaban!

“Gusto kong mabuhay, hindi para sa akin kundi para sa mga anak ko na mga nagaaral pa at ako lang ang inaasahan.

“Gusto ko sanang maka attend ng debut ng 14 year old daughter ko…pero Paano?

“Pinoproblema ko nga yung upa nitong bwan na ito. Koryente, pagkain…. Paano!!!???”  

Sinabi pa ng veteran actor na, “Kaya humihingi ako ng dasal, dahil hindi ko maisip kung paano. Wala akong naipon, Matagal na akong walang trabaho. Wala akong options! Nagdadasal ako para sa milagro.

“Pinagdadasal ko na sana may mga tumulong ulit sa akin. Na sana hindi magsawa at muli ay tumulong. Mga may konting sobra na magse share ng kanilang blessings.

“Hindi ko kayo kayang bayaran pero masusuklian ng Diyos ang inyong pasakit, kabutihang loob at pagmamahal.

“Kung meron sa inyong nahihipo ng Diyos na tumulong, nasa ibaba ang mga detalye kung saan pwede niyong ipadala ang tulong niyong pinansyal.

“Help me please…HELP US? Please continue praying also,” pakiusap ni Mang Dido. 

Sa mga gustong magpaabot ng tulong, nasa Facebook account ni Mang Dido ang kanyang bank details.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Fifth Solomon Joseph Marco Rhen Esçan̈o

Direk Fifth aarte muli basta maganda ang proyekto  

MATABILni John Fontanilla HANDA pa ring umarte sa mga teleserye o pelikula  si direk Fifth Solomon. Matagal-tagal …

Alden Richards Nadine Lustre

Alden excited makatrabaho si Nadine 

MATABILni John Fontanilla MASAYA si Alden Richards na makakatrabaho si Nadine Lustre. Anang actor, isa si Nadine sa …

Vic del Rosario Ricky del Rosario

Kapatid ni Boss Vic na si Ricky ngayong araw ang libing

I-FLEXni Jun Nardo PUMANAW na ang nakababatang kapatid ni Boss Vic del Rosario ng Viva Group of Companies na …

Rhian Ramos Michelle Dee Baro Alyas Totoy

Michelle nasa Iloilo nang maganap ‘pag-torture’ sa driver, Kampo  ni Rhian iginiit walang illegal detention

I-FLEXni Jun Nardo MAAGAP na naglabas ng panig ang legal counsel nina Rhian Ramos at Michelle Dee sa umano’y …

Claudine Barretto Inday Barretto

Ina ni Claudine na si Mommy Inday pumanaw sa edad 89

PUMANAW na ang ina nina Gretchen, Marjorie, at Claudine Barretto na si Estrella Barretto, o mas kilala bilang Mommy Inday, …